Pagpasok ni Krystal sa entrance ng gusali ng condominium may babaeng lumapit sa kanya at tinawag siya sa pangalan nito . Nagtataka siya kung sino ito kaya tumigil sa paghakbang si Krystal at hinintay na lumapit sa kanya ang babae . '' sino po kayo ?" agad nitong tanong .Isang metro ang kanilang layo dahil hindi na niya ito pinalapit pa at baka masamang tao ang babae . Nauunawaan naman ng babae na hindi siya makikilala ni Krystal dahil maliit palang ito nung nilagay nila sa bahay ampunan . Pero ngayon isa ng malaking tao,tunay nga nagmana sa ina nito na matangkad at maganda . '' ako ito ang tiyahin mo '' mahina nitong sagot .Nahihiya man siya ngunit kailangan niyang pakapalin ang kanyang pagmumukha . Napatitig lang si Krystal sa ginang at inaalala kung naalala ba niya ang babaeng ito .'' yung nagpa ampon sa akin sa bahay ampunan '' nagbakasali siya na totoo ang kanyang hinala . Ayon sa mga madre iniwan siya doon ng kanyang tiyahin nung bata pa siya dahil ang tanging rason nila ay
Last Updated : 2026-01-06 Read more