''ikaw a lagi mo nalang ako namimiss gayong magkasama naman tayo lagi sa opisina ? " nasa isang expensive restaurant sila ngayon at sila lang dalawa dahil ayon kay Richard talagang sinolo nila ang restaurant dahil gusto nito ng sweet moment. Niyaya siya nitong sumayaw sa gitna . Parang bumalik ang ala ala niya nung nag aaral pa siya ng highschool. Hindi siya nakakadalo sa mga JS prom noon dahil wala siyang isusuot na dress or gown man lang . Bukod sa wala na nga siyang isusuot wala pang pumipili sa kanya dahil ayaw sa kanya ang mga lalaking kaklase niya noon dahil nga nerd siyang tao at hindi pwedeng pang display . Ngayon niya lang naranasan maisayaw at laking pasalamat niya dahil ang lalaking mahal niya ang siyang unang kasaway niya ngayon . '' magkasama nga tayo pero parang hindi naman tayo magkarelasyon,,, saka lang sweet kung nasa labas na tayo '' natawa lang si Krystal dahil sa mareklamo niyang boyfriend hindi niya kasi gusto ang magkaroon ng issue sa kanila sa opisina at
Última atualização : 2026-02-17 Ler mais