NAPAHALAKHAK SI FAE sa sinabi ng kaibigan. Sa sitwasyon hindi dapat siya tumatawa, pero imagine kapag nagkatotoo ang hiling ni Lia. “Seryoso ako, Girl. Iyon ang parusa niya!”“Idadamay mo pa talaga ng inosenteng nilalang na walang kinalaman sa kasalanan ng kanyang ama. Huwag ganun, Lia, sama mo!”“Dugo siya ni Jago, kasalanan niya iyon!”“Kahit na, bawiin mo ang sumpa mo—”“Wait, dahil ba iniisip mo na may pag-asa pa kayo?” tinuktok na ni Lia ang ulo ni Felicity, “Tanga ka pa rin! O sige, kapag anak sa ibang babae at hindi ikaw ang ina, sana walang butas ang puwet. Pero kapag anak mo sa kanya, syempre dapat healthy at walang anong sakit.”Hindi umimik si Fae. “Ano? Happy na?”“Tara na, Lia…” hila ni Fae sa seatbelt. The car drove off and they soon arrived at Lia’s family home. Fortunately, their parents had gone out for vacation. Hindi rin doon nakatira a
더 보기