PAULAKinabukasan, bitin na naman ako kay Mr. Andy De Castro dahil abala siya sa mga ipinapagawa sa kanya ng principal. Palabas na ako sa opisina niya nang makasalubong ko si Mr. Lorence Angeles. Medyo namula ako dahil ilang beses ko na siyang iniiwasan, pero wala na akong magagawa ngayon.“Paula, kamusta ka na? Busy ka yata masyado,” sabi niya habang hinahagod ako ng tingin.“Medyo po sir,” sagot ko.“Weh? baka busy kayo ni Mr. De Castro, Doon ka galing, ’di ba?”“Opo.”“Sabi ko na nga ba. Teka, tamang-tama,” sabi niya sabay kuha ng ilang papel sa kanyang bag. “Paki-check mo nga itong mga papel na ito, doon sa binigay kong test kanina. Kailangan ko na ito ngayon, kaya gawin mo na agad, okay? Pag natapos mo, dalhin mo na lang sa bahay,” utos niya sabay kindat.Tinanggap ko ang mga papel at nagtungo sa aming classroom para gawin ang pinapagawa niya. Agad ko itong natapos at itinago sa bag ko. Pagkatapos ng klase, nagkayayaan ang mga kaibigan ko na mag-mall, pero hindi na ako sumama dah
Last Updated : 2026-06-30 Read more