"Girl, kanina ka pa nakatitig diyan. Na-submit mo na 'yan kay Sir Alex 'di ba? Ano pang binabago mo riyan?" Tanong na naman niya. Napanganga ako nang mapagtanto ko ang sinabi niya.Bahagyang hinilot ko ang ulo ko at napamura."Seriously, you need to freshen up. Nasa pantry sina Serena at Gael. Maglalunch na rin naman," paanyaya niya at hinablot na ang kamay ko kaya wala na akong nagawa."What happened ba? Mula nang bumalik ka, wala ka pang nakekwento sa 'min. Pati si Red ay sinungitan mo," pagsisimula niya habang naglalakad kami.Napanguso ako nang maalala ko ang huling engkwentro namin ni Red kahapon. Hindi ko naman sinasadyang masigawan siya. Nagkataon lang talaga na katatapos lamang ako sermunan ni Sir Alex noon. God! This irritation is eating me up pati na ang mga tao sa paligid ko."Hindi ko sinasadya 'yon. I was so tired that time at pineste pa 'ko ni sir," pasaring ko at napairap na lang sa ere."Weh? Ayun lang ba ang dahilan? Bakit ka nag leave sa empire? May nangyari ba? Of c
Last Updated : 2026-01-26 Read more