Isang gabi, habang nagbabasa ako ng libro, bigla akong nakaramdam ng kakaibang pitik sa ibabang bahagi ng tiyan ko. Noong una, akala ko normal na paggalaw lang, pero bigla itong sinundan ng isang matalim at namimilipit na sakit. No! No! My baby! "Ahhh..." napahawak ako sa gilid ng kama. Sinubukan kong tumayo para tawagin si Vera, pero tila nawalan ng lakas ang mga binti ko. Mas lalong tumindi ang sakit, parang may humihila sa loob ko. "Vera! Lian!" sigaw ko, pero dahil nasa kusina sila at may malakas na music, tila hindi nila ako naririnig. Napansin ko ang bahagyang pagkabasa ng suot kong pantulog. Nang tingnan ko, nanlaki ang mga mata ko. Spotting. May bahid ng dugo. "No... no, baby, please..." mangiyak-ngiyak kong sabi. Sa sobrang takot at taranta, ang pangalang lumabas sa bibig ko ay ang pangalan ng lalaking pilit kong itinataboy. "Tirso! Tirso, tulong!" Hindi ko alam kung paano niya narinig, o baka naman talagang nakatambay lang siya sa tapat ng pinto, pero
最終更新日 : 2026-01-30 続きを読む