Apple's POVHINDI ko maiwasan na hindi kabahan nang malaman kong kasabay naming mag-uumagahan ang ama nila Beckett at Beckham na si Don Armani.Nauna akong bumaba sa kusina para tumulong kila Beckett na maghain ng plato. Hindi ko na hinintay si Beckham dahil naliligo pa ito."Teka, tatawagin ko lang sila Jordan para makakain na tayo," sabi ni Beckett sa akin at pinuntahan na nito si Jordan.Eksaktong katatapos kong maghain ay doon pumasok sila Jordan, Beckett at Don Armani."Hi, Apple, good morning!" bati sa akin ni Jordan."Good morning," ganting bati ko."Si Beckham?" tanong pa niya."Pababa na rin siya," sagot ko na naupo sa kaharap na upuan ni Jordan."Ituloy natin ang kwentuhan mamaya pagkatapos nating kumain, Jordan," sabi ni Don Armani."Sure po, Don Armani.""Don? Call me, dad, Jordan."Tipid na ngumiti si Jordan. "Okay po, Dad.""That's more I like it," sabi ni Don Armani at pagkatapos ay walang emosyon inilipat niya ang tingin sa akin."Your name is Apple right?""Y-yes, Don
Huling Na-update : 2025-12-29 Magbasa pa