Apple's POVLUMIPAS ang minuto, oras at araw pero si Beckham hindi pa rin nagigising. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko na baka hindi na magising pa si Beckham o tuluyan na niya kami iwan, pero nagpapakatatag pa rin ako dahil naniniwala akong gigising siya para sa amin ng mga anak niya.Napatingin ako kay Jordan ng hawakan niya ako sa balikat. "Sigurado ka na ba sa desisyon mong iuwi na lang si Beckham?" tanong niya sa akin.Tipid ko siyang nginitian. "Oo, Jordan. Alam ko rin na mas magiging komportable siya sa bahay. Doon na lang namin siya hihintayin na magising."Lumungkot ang mukha niya. "Apple...""Please don't. Hindi sumasagi sa isip ko na mag-give up kay Beckham kahit maraming pumapasok sa isip ko na baka hindi na siya magising. Kahit mahirap gusto ko pa rin umasa, na gusto ko pa rin siya ipaban hanggang sa huli. Gusto ko ako naman ang may gawin para sa kanya."Tumango-tango si Jordan. "Basta kahit na anong mangyari, nandito lang kami ni Beckett kapag kailangan mo kami."
Last Updated : 2026-01-09 Read more