MALALAKI ang mga hakbang ko na tinungo ko ang opisina ng ama ko na nasa loob ng mansion niya. Nandito ako para sabihin na sa kanya ang tungkol sa amin ni Jordan at ang plano kong pakasalan si Jordan.Tatlong katok ang ginawa ko bago ko tinulak pabukas ang pinto. Nagtaas ng tingin sa akin ang ama ko."Ano ang ipinunta mo rito, Beckett?""Dad, I need something to tell you—""Balita ko dumating na rito sa Pilipinas ang anak ni Giovanni," putol niya sa iba kong sasabihin."Gusto kong bantayan mo ang lahat ng galaw niya at alamin mo kung ano ang mga plano niya. Balita ko rin, kamukha niya si Jordan. Tiyak na gagamitin niya 'yon para makuha niya ang loob mo."Hindi ako agad na nakapagsalita dahil hindi ko inaasahan na malalaman niya agad ang tungkol kay Jordan."Sa nakikita ko, mukhang alam mo na ang tungkol doon, but it seems that you don't have any plan telling me about it."Tumikhim ako. "No. That's the reason why I'm here. Pero mukhang naunahan mo na naman ako.""At apektado ka dahil ka
Huling Na-update : 2025-12-24 Magbasa pa