Apple's POVANG PAG-UUSAP na gustong mangyari ni Beckham ay hindi namin magawa dahil naging abala ito sa negosyo at sa organisasyon. Hindi rin kami palaging magtatagpo dahil sa umaga, maaga siyang umaalis at sa gabi naman, tulog na ako kapag umuuwi siya.Mabilis dumaan ang mga araw at ngayon ang panghuling araw na ibinigay sa akin ng FSIA para sa misyon kong patayin si Beckham. Hindi na ako mapalagay at at hindi na rin makapag-isip pa ng tama.Napatingin ako sa may pinto nang may kumatok doon. "Apple, ako 'to," sabi ni Jordan mula sa likod ng pinto."Pasok ka," sabi ko.Bumukas ang pinto at iniluwa ni'yon si Jordan. "Kain na tayo ng tanghalian," naka ngiti niyang sabi."As usual tayong dalawa na naman," aniya na naupo sa gilid ng kama namin ni Beckham.Hinawakan niya ang kamay ko. "Hey, ayos ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong nang makita niya ang problemado kong mukha.Marahan akong umiling. "Ngayon na ang huling araw ng misyon ko, Jor. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawi
Huling Na-update : 2025-12-29 Magbasa pa