Share

"CHAPTER 04"

Penulis: rhitscine
last update Tanggal publikasi: 2026-01-06 05:12:04

ANTONIO

Pagkarinig ko pa lang ng busina ng sasakyan nila Kora ay agad na akong lumabas ng bahay para sunduin sila.

"Ang haba ng traffic, grabe naman tong mansyon mo, nasa liblib," nakabusangot na sabi ni Kora na agad kong nginitian. Sinenyasan ko sila na ipark ang sasakyan sa loob, dahil nasa likod ng bahay ang garahe.

"Yow, Antonio, pasalamat ka't mahal ka namin kasi kung hindi, wala kaming balak pumunta rito. Ang layo na nga, ang sikip pa," reklamo ni Gil, kaya nakakuha siya ng batok mula sa girlfriend niyang si Tatiana.

"Hindi naman namin sinabing sumama ka, reklamador ka rin. Dapat kayo nalang naging magjowa ni Kora," mataray na sabi ng babae habang abala sa pagseselfie.

"Bhabe, 'wag ka naman ganyan, parang sinabi mo na rin na bagay ako sa unggoy, huhu." umakto pa ang lalaki na naiiyak kaya agad akong napailing.

"Walang-hiya ka Gil, baka nakakalimutan mo, magpinsan tayo." binatukan ni Kora si Gil na agad namang nagtago sa likod ng kanyang girlfriend.

"Yow, dude, pumupogi tayo ngayon ah," ngiting aso na sabi ni Evans. Nakipagfist-bump muna ako sa kanila at niyaya ko na silang pumasok ng bahay.

"Nasaan na daw si Fhara at Drew?" tanong ni Kora, habang kumukuha ng malamig na tubig sa kusina.

"Natraffic daw sa skyway, mas lalo na siguro diyan sa may Sto. Tomas, goodluck nalang, baka buong byahe ay nag-aaway sila ni Drew, hahahaha." Nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Tatiana. Kapag nagsama kasi ang dalawang iyon, pihadong magkakaroon ng world 3 at susundan pa ng madaming gyera.

"Maiba tayo, saan gaganapin ang birthday ng anak, este ng ampon mo?" tanong ni Gil na agad kong sinamaan ng tingin.

"Yare, tinamaan na nga po ang Tiyuhin," At nagsimula na naman nga silang asarin ako.

"Pool party nalang tayo," nakangiting suhestiyon ko.

"What? no, wala kong dalang swimsuit," nakangusong sabi ni Kora.

"Okay lang yan, wala namang babakat sayo kaya tama na ang T'shirt sayo," seryosong sabi ni Evans, na halata namang napaka-protective sa girlfriend. Sa aming magkakaibigan, ako na lamang ang natitirang single. May babae kasi akong hinihintay, and I think this is the right time para lumevel-up ang relasyon namin, hindi lamang pagiging Uncle sa kanya. Hindi naman kami magkadugo.

"Bwisit ka talaga, kinakausap kaba?" Nagsimula na naman silang mag-away, parang mga bata.

"Meron akong extra dito, kaso pihadong hindi kasya sayo, hahahaha." natatawang sabi ni Tatiana, kaya mas lalo kaming nagtawanan.

" Ano bang size mo? uutusan kong dumaan si Genieva sa mall," seryosong sabi ko.

"32 A sa bra, sa panty ay medium," nahihiyang sabi niya, ni hindi ko nga alam kung bakit sila nagtawanan.

"Lamasin mo naman nang maigi Evans para lumaki," pang-aasar ni Gil sa lalaki.

"Bibig mo Gil, hindi ako m*****g kagaya mo," Paano kaya kami makakapagsimulang mag-ayos nito kung panay ang bangayan nila.

"Mamaya na kayo mag-asaran, magprepare na muna tayo," seryong sabi ko na agad naman nilang tinanguan.

Bago kami pumunta ng Pool area ay napatigil kami saglit dahil pinakialaman na naman nila ang mga picture na nakalagay sa sala.

"Si Genieva ba ito? Ay kaya naman pala patay na patay ang kaibigan natin, parang diyosa naman ito." napangiti ako dahil sa naging komento nila.

"Ang sexy pare,"

"Pakkkk"

"A-aray naman, nagbibiro lang eh, mas sexy ka parin." nakangusong sabi ni Gil habang sapo-sapo ang kanyang pisngi na sinampal ni Tatiana.

"Huwag mong dalhin dito ang pagiging babaero mo, lunurin kita diyan sa pool eh," masungit na sabi ng babae kaya napailing na lamang ako. Nagtuloy kami sa Pool area, at hinanda na ang mga upuan at lamesa.

May mga dala silang ballons, flowers at kung ano-ano na pang decoration. Para namang magpu-propose ako nito.

Nilagyan namin ng maraming petals ng roses ang pool. Para ngang hindi sila nakakatulong dahil panay ang habulan nila, akala mo'y mga teenager pa, trentahin na naman.

Lumayo muna ako sa kanila, para tawagan si Genieva na wala pang segundo ay sinagot naman kaagad niya.

"Could you get me a swimsuit? I need at least 32 A for the top, and medium for the bottom." nahihiyang sabi ko. Tahimik lamang ang kabilang linya na sa tingin ko ay nagulat rin.

"What? Para kanino?" agarang tanong niya kaya naman ay napasabunot ako sa ulo. Baka kasi isipin niyang may babae ako.

"For my friend, wag kanang magtanong bumili kana lang. May mall kana man sigurong madaanan diyan," mabilis na sabi ko dahil hindi ko na rin alam ang sasabihin, at baka magtanong pa siya nang kung ano-ano.

Tototot.....

Pinatayan niya ako ng tawag, bastos talaga ang batang iyon. Nagkibit-balikat na lamang ako at bumalik na sa mga kaibigan ko na abala sa ginagawa.

" Ready na ba ang mga pagkain natin?" tanong ni Kora habang nagkakabit ng mga lobo, samantalang sila Gil naman ay abala sa pagtatayo ng malaking tent, baka kasi umulan bigla.

"Yeah, pinaayos ko kay Farah, sabi ko ay siya na ang bahala sa pagkain tutal siya naman ang magaling magluto. At mag-iihaw din tayo maya-maya." nakangiting sabi ko na agad naman nilang tinaguan.

Ito ang unang beses na nag-effort ako sa isang babae, hindi rin mawala ang mga ngiti ko sa labi.

Maya-maya pa'y narinig ko na rin mula sa labas ang sasakyan ni Drew. Malakas ang busina nito, paniguradong pati natutulog na kapitbahay ay magigising.

Ako na lamang ang nagpresintang lumabas para salubungin sila. Tama nga ang usapan namin dahil pagbaba palang ni Farah sa sasakyan ay sumasayad na ang nguso nito sa lupa. Busangot na busangot ito na parang naaasiwa sa kanyang kasama.

May dala-dala silang malaliit na megabox na naglalaman ng pagkain at mga karne't isda na iihawin mamaya.

"Ano na namang ginawa mo diyan Drew, at galit na galit yan?" natatawang sabi ko habang tnutulungan siyang magbaba ng mga gamit nila.

"Galit na galit kasi traffic, gusto pa atang paliparin itong kotse. Sana kako ay pinaglayan niya ito ng pakpak," natatawang sabi ng lalaki na sinabayan ko nalang.

"Farah, okay ka lang?" tawag ko sa kanya pero sinamaan niya rin ako ng tingin.

"Mukha ba akong okay, couz? Mukha akong suman sa byahe," naiinis na sumbong nito.

"Hayaan mo na, bawe kana lang mamaya sa inuman. Ngiti kana, at paniguradong aasarin kana naman nila Tatiana kapag nakita kang ganyan," nakangiting sabi ko at mabuti na lamang ay kumalma na siya.

"Nandiyan na sila?" Tumango ako, at sinenyasan ko sila na sumunod na lamang sa akin sa loob ng bahay.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • BUY ME, ANTONIO   CHAPTER 18

    Mature content: R18 GENIEVA Bigla akong naalimpungatan dahil umaalon ang malaking kama na tinutulugan ko. Babangon na sana ako nang bigla na lamang pumulupot ang isang braso sa aking bewang. Tinanggal ko ang kumot na nakaharang sa mukha ko. Nakatalukbong kasi ako. Ang aircon kasi ni Uncle rito sa kwarto ay sobrang lamig. Akala mo ay nagpapalamig ng karne. Inalis ko ang kumot. Humarap ako sa kung sino man ang yumakap sa akin. Nakita ko ang maamo niyang mukha, nakapikit na parang bata. Si Uncle. Ang taong unang naniwala na kaya ko. Ang taong nagbigay sa akin ng tamang kalinga na kailanman ay hindi ko naranasan sa pamilya ko. Alam kong mali ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero hindi ko na kayang pigilan pa dahil sa araw-araw na lumilipas mas lalo ko lamang siyang minamahal. Nararamdaman ko ang dahan-dahan niyang paghimas at pagkurot sa aking balat. Ang kanyang mukha naman ay pilit na sumusubsob sa aking leeg. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang init. Mas lalong naging m

  • BUY ME, ANTONIO   CHAPTER 17

    GENIEVA Galit si Uncle. Kanina pa niya ako hindi pinapansin. Bumaba ako para sana uminom ng tubig pero inabutan ko doon si Arkanghel. Kung gaano kabanal ang pangalan niya, ganoon naman siya kasalaula. Kumakain siya, nakataas ang paa, walang damit, hindi magandang tingnan. Aaminin kong galing ako sa mahirap pero hindi ako ganyan kadugyot gumalaw. "K-kain ka, Neng!" sabi niya habang punong -puno ang bibig ng pagkain. "Busog pa ako," walang-ganang sabi ko. Bigla ay nagpunas siya ng bibig at hinarap ako. May dala siyang paa ng manok, kinakain niya ito habang nakatayo sa harapan ko. Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong tubig, mabuti na lamang ay nalunok ko na ito."Ano ba! B-bakit nandiyan ka?" nauutal na tanong ko. Pilyo siyang ngumiti sa akin at pinasadahan ang katawan ko kaya agad kong nayakap ang sarili. Pagkatapos niyang kumain ay basta na lamang niyang initsa sa basurahan ang buto."Matagal kana dito?" tanong niya habang dinidilaan ang bawat daliri niya. Kadiri!Tumango ak

  • BUY ME, ANTONIO   "CHAPTER 16"

    GENIEVA Bagot na bagot akong pumasok sa sasakyan niya hindi dahil naiinis ako sa buong araw ko sa school kundi dahil sa mga babaeng nakakasalubong namin na walang ibang ginawa kundi ang magpapansin sa Uncle ko. "Ang gwapo naman niya. Magkapatid kaya sila?" Sinamaan ko ng tingin ang babaeng nakasalubong namin. Malagkit ang tingin niya kay Antonio. "Hoy! Mag-aral muna kayo! Inuuna pa ang landi," inis kong sigaw sa kanila. Nagtakbuhan naman ang dalawa dahil sa sobrang pagkapahiya. "Sabi ko na sayo, 'wag kang papasok ng campus. Pinagtitinginan at pinag-uusapan ka tuloy ng lahat," nakabusangot na sabi ko. Tumingin ako sa kanya, abala siya sa paghawak ng manibela. Isinusuot ko palang ang seatbelt nang bigla niya itong paandarin. "Uncle!" inis kong sigaw. Naaubsob lang naman ako. Nakakainis talaga ang araw na ito. "Ayusin mo nga ang sarili mo, pati ako tinatarayan mo," nakakunot-noong sabi niya. "S-sorry naman. Si Angelina kasi. I don't think if she likes me or not. Munti

  • BUY ME, ANTONIO   "CHAPTER 15"

    ANTONIO "Ano naman ang nakain mo at pinag-aral mo ang alaga mo?" Si Kerby Hernandez, isa sa mga manager na pinagkakatiwalaan ko. Siya ang may hawak ng resort na pagmamay-ari ko sa Sta. Rosa, Laguna. Isa rin siya sa pinakamalapit na empleyado sa akin. Halos tropa na ang turingan naming dalawa. Madalas ay nakukwento ko sa kanya si Genieva, ngunit hindi niya pa ito nakikita sa personal. "She needs to learn about business," tipid na sabi ko . Tumaas ng bahagya ang kilay niya at pasimpleng inaasar ako. "Pero nursing ang kinuha niya. Okay ka lang?" natatawang sabi niya. Wala talagang lusot sa lalaking 'to. "Pinapili ko siya. Gusto niyang maging Doctor. Hindi ko siya kinupkop para hadlangan ang mga gusto niya sa buhay. I promise to support her no matter what happens," seryosong sabi ko. Nakita ko ang pagtango niya bilang pagsang-ayon. "Paano kapag nakakita siya ng gwapo sa school nila. Kasing-edad niya. Okay lang sayo?" sarkastikong sabi niya. Awtomatiko akong napalingon sa kanya

  • BUY ME, ANTONIO   "CHAPTER 14"

    GENIEVA The first day of classes really sucks. Ibang suck naman sana ang ibigay. Nandito kami ngayon sa quadrangle para salubungin ang mga masisipag na mag-aaral. Syempre, hindi ako kasama diyan. Hindi ako huwarang estudyante. Hubaran pwede pa. Landi! Nanglalambot ako sa sobrang katamaran. Mas gusto ko pang nasa bahay habang nakabuntot ng bente-kwatro oras sa tiyuhin ko. Ano na naman kaya ang ginagawa ni Antonio? "May I call upon Ms. Genieva Falcon to share an inspiring message about how she came to this school." Hindi ko alam kung nabingi lang ba ako o narinig ko talaga ang pangalan ko. Tumingin ako kay Angelina, nakangiti siya habang tinatawag ako gamit ang mga kamay niya. Napatingin ako sa buong paligid, umaasa na hindi ako iyon pero lahat sila ay nakatingin din sa akin. "First day of school, may s****p na agad, tsk," rinig kong sabi ng isang lalaki. Tumingin ako sa kanya, nakapamulsa lang siya at parang hindi interesado sa mga nangyayari. "Excuse me, are you referring to

  • BUY ME, ANTONIO   "CHAPTER 13"

    GENIEVA Nakatayo ako sa harap ng matataas na at magandang gate ng St. Agustin. Si Uncle ay nakasunod lamang sa akin at pinagmamasdan ako ng maigi. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya at kabahan. Sa totoo lang ay ginamit niya ang lahat ng koneksyon at pera para makapasok ako rito. Hindi lang basta paaralan ang St. Agustin International College—ito ang pinakasikat at pinakamagandang unibersidad sa Pilipinas. Dati, ang mga katulad ko ay nakatayo lang sa labas at hindi pinapayagang pumasok bilang estudyante. Pero nagawa iyon ni Antonio. Kasi sabi niya, nararapat ako rito. At sabi niya, mas matututo ako kung dito ako mag-aaral. Huminto kami sa harap ng Registrar office. Hinarap niya ako at itinuro ang buhok ko. "Magsuklay ka nga, wala ka sa bahay." masungit na sabi niya kaya napanguso na lamang ako at kumuha ng suklay sa bag. Inayos ko ang buhok ko at tiningnan siya. "Okay na ba? Maganda na ba ako sa paningin mo?" nakangiting sabi ko pero hindi siya umimik. Umiwas lamang siya ng tingi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status