Share

"CHAPTER 03"

Penulis: rhitscine
last update Tanggal publikasi: 2026-01-06 05:11:31

GENIEVA

Sa mundong nakakapagod at punong-puno nang panghuhusaga, bakit napunta pa ako sa tatay na walang-kwenta? Ang tingin sa aki'y hindi tao kundi isang basura. At sa dami ng tao sa mundo, bakit nabuo pa ako sa dalawang taong wala namang pag-papahalaga sa kanilang dugo't laman? Kung kamalasan ang pag-uusapan, paniguradong ga-graduate ako ng Valedictorian.

Iwinaglit ko na lamang ang nangyari sa aking isipan, at nag-isip na lamang ng positibong bagay, ngunit nauwe lamang ito sa pagbalik ng mga ala-ala ko sa nakaraan.

Bago ako napunta sa palasyong 'to ay nakatira muna ako sa barong-barong na bahay sa Payatas. Pamamasura ang hanap-buhay ng tatay ko, hindi dahil upang may pambili kami ng pagkain, kundi para may pang-inom siya kinahapunan. Ito namang nanay ko, ay walang ibang ginawa kundi ang tumambay sa bingohan.

"Genieva, lumabas ka muna, wala na tayong grocery sa ref," napatingin ako kay Antonio nang bigla siyang magsalita kaya napabalik ako sa tamang wisyo.

"Anong tingin mo sa laman ng ref, basura?" sarkastikong sabi ko. Mainit talaga ang ulo ko dahil sa nangyari kagabi. Bakit ba hindi niya sa akin magawa ang kaya niyang gawin sa ibang babae? Dahil ba ang turing niya sa akin ay anak-anakan, kahit ang totoo ay hindi naman kami magkadugo.

"Basta mag-grocery ka," seryosong sabi nito at tinalikuran ako.

"Uncle naman, bakit nga? Magpapakain ka ba ng buong barangay? Kaka-grocery ko lang kahapon," highblood na sabi ko pero hindi na niya ako sinagot. Wala din naman siyang binibigay pa na pera sa akin.

"Yung pera pala ay nasa lamesa, bumili kana rin ng mga gusto mo, basta bumalik ka bago mag 3 pm." seryosong sabi niya at mabilis na pumasok sa kanyang kwarto.

Pumunta ako sa lamesa at nakita kong may isang supot doon. Binuksan ko ito at nanlaki ang mga mata ko. Napakadaming pera para lang sa grocery. Balak ba niyang magtayo ng grocery store sa bahay?

Kinuha ko na lamang ito, at nagdabog ako hanggang makapasok sa kwarto. Hindi man lang niya nagawang batiin ako 'gayong birthday ko. Nakakaasar talaga ang matandang iyon, grrrr.

Nag-ayos na lamang ako ng sarili ko at mabilis na lumabas. Hindi ko aakalain na aabutan ko siya sa sofa, akala ko'y magkukulong na siya buong maghapon sa kwarto.

"Hindi ata groceryan ang pupuntahan mo, bar ata," walang emosyong sabi niya habang pinapasadahan ng tingin ang buong katawan ko. Nagcroptop lang kasi ako at maong short, boots at konting make-up. Mahirap na, baka mapagkamalan akong badjao sa labas. "Palitan mo yang suot mo, ang sagwa," malumanay na sabi niya ngunit bakas ang galit sa mga tinig nito.

"Pati ba naman suot ko ay papakialaman mo, maghubad nalang kaya ako?" mataray sabi ko. Akala ko ay hindi na siya sasagot ngunit bigla na lamang siyang tumayo at pumunta sa pwesto ko.

"Huhubarin mo, o ako ang maghuhubad niyan para sayo?" seryosong sabi niya kaya bigla na lamang akong naestatwa. Isa pa doon, ang lapit nang mukha niya sa akin. "Nakikinig kaba?" dugtong pa niya. Bigla na lamang akong napapiksi nang hapitin niya ako sa bewang at bulungan.

"Huwag mo akong daanin sa pang-aakit, baka pag pinatulan kita mamula yang bilat mo," nakangising sabi niya kaya naitulak ko siya nang wala sa oras.

"Uncle! Ag bibig mo, ang aga-aga," inis na sabi ko habang inaayos ang damit ko na nagusot.

"Ilang beses pa ba kitang kailangang bastusin para sundin mo ang mga gusto ko?" nakapamulsang sabi niya kaya agad ko siyang sinamaan nang tingin.

"Okay na to, mabilis lang naman ako," asar na sabi ko pero mas lalong naging patalim ang mga tingin niya sa akin.

"Mabilis din akong labasan lalo na kapag sinagad ko 'tong naninigas na titi ko sayo," mas lalo lamang nadungisan ang pandinig ko, dahil sa kabastusan ng bibig niya.

"Fine, magpapalit na, bwisit!" inis na sabi ko at nagpapadyak ako papasok ng kwarto. Hindi ko kailangan ng kalibugan niya ngayon. Naexpired na kagabi ang pagnanasa ko sa kanya.

Nakita ko ang pasimple niyang pag-ngiti na parang kinikilig na senior citizen kaya napairap na lamang ako.

Nagpalit na lamang ako ng maong pants, isang white t'shirt at sapatos—mukha akong tomboy.

"Okay na ba to?" Hindi parin mawala ang inis sa boses ko nang makalabas ako't makapag-bihis.

"Much better, nagmukha kang tao diyan," seryosong sabi niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang talampakan.

Inirapan ko na lamang siya at walang sabi-sabing lumabas, pero agad din akong bumalik sa loob dahil nakalimutan kong tanungin kung sino ang magiging driver ko.

"S-sinong service ko, Uncle?" Seryosong tanong ko

"Mag-commute kana lang, may pinapagawa kasi ako kay Manong Jay," walang emosyong sabi niya at abala pa rin ito sa pagsimsim ng kape. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagtuloy na lamang ako sa paglabas. Gustong-gusto niya talaga akong nahihirapan, crush ko pa naman siya. Ia-uncrush ko na siya simula ngayon.

Pagdating ko sa sakayan, agad akong naghanap ng jeep papunta ng Olivarez.

"Oh, isa nalang! Yung walang pag-asang magka-jowa diyan," sigaw nang kundoktor. Imbes na matuwa ay mas lalo akong nainis, ipamukha ba naman sa akin. Hindi na muna sana ako sasakay at mag-aantay na lamang ng bagong jeep, 'yung walang parinig at diskrimanasyon, ngunit agad niya akong linapitan.

"Ikaw ma'am? Sakay kana para hindi ka maiwanan," ngiting aso na sabi nang lalaki na parang double meaning pa ang pinapahiwatig sa akin.

Ngumiti ako ng peke at mabilis na sumakay. Hindi na nga pinili, maiiwanan pa.

20 minutes ang naging byahe simula rito sa Southville 5a hanggang sa Olivarez. Mabuti na lamang ay hindi ako inabutan ng traffic, madalas kasi ay traffic sa Sto. tomas Biñan, dahil sa merging traffic.

"Bayad po, single!" malakas na sabi ko, at nagtawanan naman ang mga pasaherong sakay.

Hindi ko na lamang sila pinansin at maya-maya pa'y nakarating na ako sa destinasyon ko.

"Tabi nalang po, " nakabusangot na sabi ko at agad namang pumreno si Kuya, sa lakas nito ay nasubsob pa ako sa katabi ko. Mas lalo lamang nag-init ang ulo ko, puro nalang talaga kamalasan ang dala sa akin ng araw na ito.

"S-sorry," paghingi ko nang paumanhin sa katabi kong babae. "Kuya , sa susunod matuto tayong pumreno sa tamang oras at tamang lugar, hindi yung bigla-bigla, nasusubsob tuloy kami sa maling tao." dagdag ko pa at masama ko siyang tiningnan.

"Hahahahaha..."

Hindi ko na masiyadong inintindi ang mga nagtatawanang pasahero dahil bumaba na ako at naglakad ng mabilis, makalayo lamang sa malas.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • BUY ME, ANTONIO   CHAPTER 18

    Mature content: R18 GENIEVA Bigla akong naalimpungatan dahil umaalon ang malaking kama na tinutulugan ko. Babangon na sana ako nang bigla na lamang pumulupot ang isang braso sa aking bewang. Tinanggal ko ang kumot na nakaharang sa mukha ko. Nakatalukbong kasi ako. Ang aircon kasi ni Uncle rito sa kwarto ay sobrang lamig. Akala mo ay nagpapalamig ng karne. Inalis ko ang kumot. Humarap ako sa kung sino man ang yumakap sa akin. Nakita ko ang maamo niyang mukha, nakapikit na parang bata. Si Uncle. Ang taong unang naniwala na kaya ko. Ang taong nagbigay sa akin ng tamang kalinga na kailanman ay hindi ko naranasan sa pamilya ko. Alam kong mali ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero hindi ko na kayang pigilan pa dahil sa araw-araw na lumilipas mas lalo ko lamang siyang minamahal. Nararamdaman ko ang dahan-dahan niyang paghimas at pagkurot sa aking balat. Ang kanyang mukha naman ay pilit na sumusubsob sa aking leeg. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang init. Mas lalong naging m

  • BUY ME, ANTONIO   CHAPTER 17

    GENIEVA Galit si Uncle. Kanina pa niya ako hindi pinapansin. Bumaba ako para sana uminom ng tubig pero inabutan ko doon si Arkanghel. Kung gaano kabanal ang pangalan niya, ganoon naman siya kasalaula. Kumakain siya, nakataas ang paa, walang damit, hindi magandang tingnan. Aaminin kong galing ako sa mahirap pero hindi ako ganyan kadugyot gumalaw. "K-kain ka, Neng!" sabi niya habang punong -puno ang bibig ng pagkain. "Busog pa ako," walang-ganang sabi ko. Bigla ay nagpunas siya ng bibig at hinarap ako. May dala siyang paa ng manok, kinakain niya ito habang nakatayo sa harapan ko. Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong tubig, mabuti na lamang ay nalunok ko na ito."Ano ba! B-bakit nandiyan ka?" nauutal na tanong ko. Pilyo siyang ngumiti sa akin at pinasadahan ang katawan ko kaya agad kong nayakap ang sarili. Pagkatapos niyang kumain ay basta na lamang niyang initsa sa basurahan ang buto."Matagal kana dito?" tanong niya habang dinidilaan ang bawat daliri niya. Kadiri!Tumango ak

  • BUY ME, ANTONIO   "CHAPTER 16"

    GENIEVA Bagot na bagot akong pumasok sa sasakyan niya hindi dahil naiinis ako sa buong araw ko sa school kundi dahil sa mga babaeng nakakasalubong namin na walang ibang ginawa kundi ang magpapansin sa Uncle ko. "Ang gwapo naman niya. Magkapatid kaya sila?" Sinamaan ko ng tingin ang babaeng nakasalubong namin. Malagkit ang tingin niya kay Antonio. "Hoy! Mag-aral muna kayo! Inuuna pa ang landi," inis kong sigaw sa kanila. Nagtakbuhan naman ang dalawa dahil sa sobrang pagkapahiya. "Sabi ko na sayo, 'wag kang papasok ng campus. Pinagtitinginan at pinag-uusapan ka tuloy ng lahat," nakabusangot na sabi ko. Tumingin ako sa kanya, abala siya sa paghawak ng manibela. Isinusuot ko palang ang seatbelt nang bigla niya itong paandarin. "Uncle!" inis kong sigaw. Naaubsob lang naman ako. Nakakainis talaga ang araw na ito. "Ayusin mo nga ang sarili mo, pati ako tinatarayan mo," nakakunot-noong sabi niya. "S-sorry naman. Si Angelina kasi. I don't think if she likes me or not. Munti

  • BUY ME, ANTONIO   "CHAPTER 15"

    ANTONIO "Ano naman ang nakain mo at pinag-aral mo ang alaga mo?" Si Kerby Hernandez, isa sa mga manager na pinagkakatiwalaan ko. Siya ang may hawak ng resort na pagmamay-ari ko sa Sta. Rosa, Laguna. Isa rin siya sa pinakamalapit na empleyado sa akin. Halos tropa na ang turingan naming dalawa. Madalas ay nakukwento ko sa kanya si Genieva, ngunit hindi niya pa ito nakikita sa personal. "She needs to learn about business," tipid na sabi ko . Tumaas ng bahagya ang kilay niya at pasimpleng inaasar ako. "Pero nursing ang kinuha niya. Okay ka lang?" natatawang sabi niya. Wala talagang lusot sa lalaking 'to. "Pinapili ko siya. Gusto niyang maging Doctor. Hindi ko siya kinupkop para hadlangan ang mga gusto niya sa buhay. I promise to support her no matter what happens," seryosong sabi ko. Nakita ko ang pagtango niya bilang pagsang-ayon. "Paano kapag nakakita siya ng gwapo sa school nila. Kasing-edad niya. Okay lang sayo?" sarkastikong sabi niya. Awtomatiko akong napalingon sa kanya

  • BUY ME, ANTONIO   "CHAPTER 14"

    GENIEVA The first day of classes really sucks. Ibang suck naman sana ang ibigay. Nandito kami ngayon sa quadrangle para salubungin ang mga masisipag na mag-aaral. Syempre, hindi ako kasama diyan. Hindi ako huwarang estudyante. Hubaran pwede pa. Landi! Nanglalambot ako sa sobrang katamaran. Mas gusto ko pang nasa bahay habang nakabuntot ng bente-kwatro oras sa tiyuhin ko. Ano na naman kaya ang ginagawa ni Antonio? "May I call upon Ms. Genieva Falcon to share an inspiring message about how she came to this school." Hindi ko alam kung nabingi lang ba ako o narinig ko talaga ang pangalan ko. Tumingin ako kay Angelina, nakangiti siya habang tinatawag ako gamit ang mga kamay niya. Napatingin ako sa buong paligid, umaasa na hindi ako iyon pero lahat sila ay nakatingin din sa akin. "First day of school, may s****p na agad, tsk," rinig kong sabi ng isang lalaki. Tumingin ako sa kanya, nakapamulsa lang siya at parang hindi interesado sa mga nangyayari. "Excuse me, are you referring to

  • BUY ME, ANTONIO   "CHAPTER 13"

    GENIEVA Nakatayo ako sa harap ng matataas na at magandang gate ng St. Agustin. Si Uncle ay nakasunod lamang sa akin at pinagmamasdan ako ng maigi. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya at kabahan. Sa totoo lang ay ginamit niya ang lahat ng koneksyon at pera para makapasok ako rito. Hindi lang basta paaralan ang St. Agustin International College—ito ang pinakasikat at pinakamagandang unibersidad sa Pilipinas. Dati, ang mga katulad ko ay nakatayo lang sa labas at hindi pinapayagang pumasok bilang estudyante. Pero nagawa iyon ni Antonio. Kasi sabi niya, nararapat ako rito. At sabi niya, mas matututo ako kung dito ako mag-aaral. Huminto kami sa harap ng Registrar office. Hinarap niya ako at itinuro ang buhok ko. "Magsuklay ka nga, wala ka sa bahay." masungit na sabi niya kaya napanguso na lamang ako at kumuha ng suklay sa bag. Inayos ko ang buhok ko at tiningnan siya. "Okay na ba? Maganda na ba ako sa paningin mo?" nakangiting sabi ko pero hindi siya umimik. Umiwas lamang siya ng tingi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status