Kinabukasan, pumunta sina Alec at ang kanyang mga kaibigan sa bayan para bumili ng kanilang mga pangangailangang personal. Nangako din si Alec na ililibot ang mga kaibigan sa magagandang lugar sa bayan. Sinubukan ni Joachin na kumbinsihin siyang sumama sa kanila ngunit tinanggihan niya ito. Kahit na gustong-gusto niyang sumama at makasama si Joachin, alam niyang tiyak na magagalit na naman si Alec kung sasama siya.Hindi siya inanyayahan ni Alec, kaya walang dahilan para siya ay magpumilit na sumama sa kanila. Naging tahimik lang ito at hindi sumagot nang tangkaing tanuningin ni Joachin kung pwede siyang isama. She gets it, alright. He doesn't want her to come. As simple as that. Halos isang araw silang nawala at bumalik lamang nang mag-aalas singko nang hapon. Nang makabalik, napansin niyang parang may kakaiba sa pagitan ni Alec at Cristel. Ang sweet at masayahing si Cristel ay naging tahimik at malungkot at si Alec naman, gaya parin ng dati ay tahimik, suplado at nakakunot ang no
Terakhir Diperbarui : 2026-01-02 Baca selengkapnya