Habang nakatayo sa tapat ng pinto ng silid aklatan, napuno ng kaba at pag-aalangan ang kanyang dibdib. Pagkatapos ng isang mahaba at mabigat na buntong-hininga, sinubukan niyang tanggalin ang bikig sa kanyang lalamunan bago kumatok sa pinto ng silid. Kailangan niyang maghanda ng lakas ng loob para harapin ang kanyang ama. Bagama't namamaga pa rin ang kanyang mga mata dahil sa pag-iyak, nagawa niyang takpan ito ng make-up para hindi iyon mapansin dahil narin siyempre sa tulong ni Nana Marcela. “Gusto niyo po daw akong makausap, Dad?” tanong niya nang maupo sa upuang nakaharap sa matanda.“Tutungtong kana sa Senior High School sa susunod na taon, hindi ba, Emerald Marie?” tanong nito sa seryosong tono. “Yes, Dad.” ang mga kamay niya ay nakapatong sa ibabaw ng mesa habang seryosong nakatitig sa ama kalakip ang seryosong expression na jaraniwan niyang ginagawa kapag ang ama Ang kausap. Sa buong buhay niya, alam niy
Last Updated : 2026-01-08 Read more