Napatahimik tuloy bigla si Kaia. Isang anak nga baka hindi pa niya kayang ipagbuntis, isang dosena pa kaya?Lalo tuloy niyang nakita ang future nila ni Sir Pedro. Nakumbinse siya lalong nagsasayang lang ito ng oras sa kanya at baka madisappoint ang mga magulang nito kapag nalamang may sakit siya at bawal pang mabuntis."Maggi-girl bonding kami ni Kaia tapos uminom kayo ng Daddy mo!" kondisyon ni Helena noong nasa hapag na sila.Sambakol naman ang mukha ni Pedro. Paano'y wala sa tabi niya si Kaia at naroon sa tabi ng Mommy niya, ayaw ng bitiwan ang girlfriend niya."Mom, hindi pwedeng uminom ng alak si Kaia," paalala ni Pedro."Sus, ang strict mo namamg boyfriend, Anak. Mag-movie marathon na lang kami!" imbis ay suhestiyon nito.Umiling si Pedro, "Hindi siya pwedeng mapuyat, Mom. She needs to sleep early," istriktong bigkas niya.Napalabi ang ina niya, "Kapag ikaw pwede siyang puyatin, kapag ako na future mother-in-law niya, hindi pwedeng makapag-bonding sa kanya?"Napaungol si Pedro,
Read more