CHAPTER 170Muli namang napatingin si Bernard kay Maxene at saka siya muling bumuntong hininga.“Max, kailangan ko ng umalis. Pakiusap gumising ka na. Marami kaming nagmamahal sa’yo at naghihintay muli na magising ka. Mahal na mahal kita, Maxene. Magpagaling ka kaagad para naman makasama ka na namin. Miss na miss na namin ang ngiti at tawa mo kaya sana ay magising ka na,” sabi ni Bernard at saka siya napangiti ng maalala niya ang matamis na ngiti na palaging nakapaskil sa labi ni Maxene.“Aalis na muna ako pero nariyan lang naman ako sa labas at hinding hindi ko kayo iiwan ng ating anak. Kaya sana magpagaling ka na kaagad at gumising ka na sa lalong madaling panahon dahil sa totoo lang ay hindi ko talaga kaya na makita ka na nasa ganyang kondisyon. At talagang nag aalala na rin kaming lahat sa’yo,,” pagpapatuloy pa ni Bernard at saka niya muling hinalikan ang kamay ni Maxene. “Mahal na mahal kita, Max. Mahal na mahal kita,” dagdag pa niya at saka niya ibinaba ang kanyang mask at saka
Read more