LOGINCHAPTER 177Samantala naman pagkapasok ng doktor sa loob ng ICU ay linapitan naman nito si Maxene ng mapansin niya na nakatitig ito sa kanya.“Kumusta ang lagay mo hija? May nararamdaman ka ba na kakaiba sa iyong katawan? May masakit ba sa iyo?” sunod sunod naman na tanong ng doktor kay Maxene.Nanatili naman na walang imik si Maxene at nakatitig lamang siya sa doktor na nagsalita.Nang wala namang makuhang sagot ang doktor ay nagtataka naman ang tingin niya rito bago siya tumingin sa kasama niyang nurse. At nang muli siyang tumingin kay Maxene ay napatikhim na muna siya bago niya ito mas linapitan pa.“Ahm. M-May itatanong ako sa’yo. Maaari mo ba akong sagutin?” tila kinakabahan pa na sabi ng doktor kay Maxene.Kumurap kurap naman si Maxene at tumango lamang ito bilang tugon.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ng doktor at saglit pa nga itong napatingin sa mga kasama niyang nurse. Sa totoo lang ay kinakabahan na talaga siya pero umaasa siya na mali ang kanyang aka
CHAPTER 176Matapos na magpunta ni Bernard sa NICU ay may ngiti sa kanyang labi ng bumalik siya sa ICU kung nasaan si Maxene. Kahit papaano kasi ay nabawasan na ang tinik sa kanyang dibdib dahil maayos na nga ang lagay ng kanilang anak ni Maxene.Pagkarating na pagkarating din niya roon ay naabutan na niya ang mga magulang ni Maxene doon at pati na rin ang kanyang ina. Wala kasi ang kanyang ama ngayon dahil kailangan nitong pumasok sa opisina. Agad na rin naman na ibinalita ni Bernard sa mga ito ang magandang balita na iyon at kagaya niya ay sobrang saya rin ng mga ito dahil talagang nag aalala rin ang mga ito sa kanilang apo.“Mabuti naman kung ganon. Kahit papaano ay mababawasan na ang isipin natin. Sana ay kasunod naman ay magising na rin si Maxene. Ilang araw na siyang walang malay kaya sana naman ay magising na talaga siya,” sabi ni Andrea pagkarinig niya sa magandang balita ni Bernard.“Sana nga po tita. Sana nga po ay magising na si Maxene,” sagot naman ni Bernard dito.Habang
CHAPTER 175Lumipas pa ang maghapon at magdamag pero wala pa rin talagang pagbabago sa kundisyon ni Maxene. Sobrang nag aalala na talaga si Bernard sa kalagayan nito at hindi na rin talaga siya mapakali dahil habang patagal ng patagal na walang malay si Maxene ay mas lalo lamang siyang natatakot para sa kalagayan nito.Buong magdamag ay halos paidlip idlip lamang ang ginagawa ni Bernard dahil hindi talaga siya makatulog ng matagal dahil napapabalikwas talaga siya ng bangon kapag naaalala niya si Maxene. At dahil nga hindi makatulog si Bernard ay nagpasya siya na magpunta sa NICU at todo pakiusap talaga siya sa nurse na naroon na pagbigyan siya na makita at malapitan niya ang kanyang anak kahit saglit. Mabuti na lamang talaga at dumating ang doktor ng bata at pinagbigyan siya nito na makapasok sa loob.Habang tinititigan ni Bernard ang kanyang anak ay hindi niya maiwasan na hindi mapaluha at pinakalma na rin muna niya ang kanyang sarili bagi niya dahan dahan na hinawakan ang kamay ng
CHAPTER 174“Kumusta ka? Ayos ka lang ba? Pwede ka naman magpahinga na rin muna. Ako na muna ang magbabantay dito at tatawagin na lamang kita kapag lumabas ang doktor ni Maxene,” sabi ni Jonathan sa kanyang kapatid.Saglit naman na napatitig si Bernard sa kanyang kapatid at saka siya bumuntong hininga.“Kaya ko pa naman, kuya. At kakayanin ko talaga para sa mag ina ko,” sagot ni Bernard sa kanyang kapatid. “Kumusta ang anak mong si Joseph? Napaamin mo na ba siya kung nasaan ang walanghiyang babae na iyon?” tanong pa niya. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Jonathan dahil sa totoo lang ay naiipit din siya sa sitwasyon na ito lalo na at involve ang kanyang anak sa nangyari kay Maxene at sa anak nito.“Tinuruan ko na ng leksyon ang pamangkin mo at kahit labag sa loob ko ay ikinulong ko na muna siya sa kanyang silid. Ayoko sana yung gawin sa kanya pero hindi naman kasi siya nakikinig sa akin at isa pa ay kailangan din talaga niyang magtanda para matigil na ang kahi
CHAPTER 173“Kahit naman ang doktor ni Maxene ay hindi malaman kung bakit siya nagkaganyan at nagtataka rin talaga sila kung bakit hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon. Kaya nga tutok na tutok sila ngayon sa kalagayan ni Maxene,” sagot naman ni Bernard sa kanyang kapatid.Saglit naman na natahimik si Jonathan at saka siya bumuntong hininga.“Sana lang ay magising na si Maxene para hindi na tayo mag alala pa ng ganito,” sabi ni Jonathan. “Ang anak ninyo… kumusta na? Napuntahan mo na ba siya?” tanong pa niya.“Oo, napuntahan ko na sya kuya. Medyo maselan pa rin ang kundisyon niya at kahit na gusto ko na sana siyang makarga at mayakap ay hindi pa pwede dahil nga sa kundisyon niya,” malungkot naman na sagot ni Bernard nang maalala naman niya ngayon ang kanyang anak.Naaawa naman na tinitigan ni Jonathan ang kanyang kapatid dahil pinagdaraanan nito ngayon at talagang nangangalumata na ito.. Naaawa rin siya kay Maxene dahil matagal na niya itong kilala at wala rin talaga siyang masa
CHAPTER 172Mapakla naman na natawa si Jonathan dahil sa sinabi na iyon ni Irish at saka nito hinawakan ng mahigpit sa braso ang dalaga habang seryoso na itong nakatingin dito.“Wag mo nga akong matawag tawag na tito dahil hindi naman kita kaano ano,” gigil na sabi ni Jonathan sa dalaga. “At sa tingin mo ba ay mabibilog mo ang ulo ko dahil sa sinasabi mong mahal mo ang kapatid ko? Tsk. Isa ka nga talagang baliw,” pagpapatuloy pa niya at hininaan lang niya ang kanyang boses dahil baka marinig siya ni Bernard.Ayaw pa naman ni Jonathan na makita ng kanyang kapatid si Irish dahil baka kung ano pa ang magawa ng kanyang kapatid sa dalaga lalo na at galit na galit ito rito ngayon.Nagulat naman si Irish sa sinabi na iyon ni Jonathan at napalunok na lang talaga siya ng sarili niyang laway.“Maniwala po kayo sa akin. Mahal na mahal ko po si Bernard at nagsisisi na po ako sa nagawa ko noon sa kanya. Gusto ko lang naman po na mabawi siya dahil alam ko rin po na mahal pa rin niya ako hanggang ng
CHAPTER 30“May problema ba? Kanina ko pa napapansin na para bang hindi ka mapakali e,” hindi na napigilang tanong ni Maxene kay Bea dahil nagtataka na talaga siya sa ikinikilos nito ngayon.“Sige na. Sumakay ka na muna ng sasakyan. Bilisan mo,” sagot naman ni Bea at halos itulak na nga niya si Max
CHAPTER 32Lumipas pa ang mga araw at napagdesisyunan na ni Maxene na sabihin na sa kanyang mga magulang ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Nag ipon na talaga siya ng lakas ng loob at hinanda na rin talaga niya ang kanyang sarili sa magiging reaksyon ng kanyang mga magulang kapag nalaman ng mga it
CHAPTER 33“Maxene, anak sa totoo lang ay nahihiya na rin talaga ako sa’yo dahil sa madalas na lamang na may problema ang ating kumpanya. Nagkakaedad na ako at talagang wala na rin naman akong ibang mapagkakatiwalaan pa na magpapatakbo ng ating kumpanya kundi ikaw lang at malaki rin talaga ang tiw
CHAPTER 34“Po? N-naku wala po iyon dad. W-wag nyo na lamang po iyon pansinin pa dahil hindi naman po iyon importante,” kandautal naman na sagot ni Maxene sa kanyang ama. “Ang mabuti pa po ay pagtuunan na lamang po natin ng pansin ay ang problema ng ating kumpanya.. kung paano po natin ito masusul







