CHAPTER 143Ilang saglit pa ay natapos na nga ni Bernard ang kanyang ginagawa habang si Maxene naman ay nakaayos na rin ng kanyang sarili. Inihanda na rin niya ang kanyang mga gamit at si Bernard na lamang din ang naglagay nito sa maleta na dadalhin niya. “Pasensya ka na kung wala akong magawa sa pagkainip mo rito sa bahay. Mahigpit kasing bilin ng doktor na kailangang ilang araw ka na complete bedrest,” sabi ni Bernard sa dalaga.“Ayos lang yun at naiintindihan ko naman. At isa pa ay para rin naman yun kay baby,” sagot ni Maxene. “Mabuti na lang talaga at pumayag si dok na lumabas ako at talagang susulitin ko na itong paglabas ko na ito,” pagpapatuloy pa niya.“Tama, siguradong hindi ka maiinip sa mansyon dahil andun si mommy na palagi kang sasamahan,” sagot ni Bernard at saka niya hinalikan sa noo si Maxene. “Tara na para makarating na tayo kaagad sa mansyon,” pagpapatuloy pa niya.Inalalayan naman ni Bernard si Maxene hanggang sa makarating sila sa sasakyan niya.“Idadaan ko laman
Read more