CHAPTER 231“A-Anak… Joseph anak,” sabi pa ni Pamela at saka siya dahan dahan na naupo sa sahig at habang nanginginig ang kanyang kamay ay hinawakan niya ang mukha ng kanyang anak na si Joseph. “Jusko… anak kooooo… Joseph, gumising ka. Anak pakiusap gumising ka,” sabi pa niya habang humahagulhol ito ng iyak.Tumabi naman na muna si Bernard at muli na niyang binalikan si Maxene habang naghihintay sila sa pagdating ng ambulansya. At habang tinititigan niya si Joseph ay muling bumalik sa kanyang alaala ang magandang samahan nilang dalawa noon kaya naman muli na naman siyang napahagulhol ng iyak habang nakatitig sa kanyang pamangkin.“Bakit ganito.. gumising ka Joseph. Bakit hindi sya nagigising. Joseph gumising ka, please anak… gumising ka,” sabi pa ni Pamela habang humahagulhol ito ng iyak at yinuyugyog ang katawan ng kanyang anak.Nang marinig naman ni Veronica ang kaguluhan na iyon ay hindi na talaga siya nagpapigil pa at wala na siyang pakialam pa kahit na mabigat ang suot niyang g
Read more