CHAPTER 250“Dad, mom,” sabi ni Bernard at may ngiti sa kanyang labi habang sinasalubong niya ang kanyang mga magulang.“Mukhang may dibdiban na usapan kayong magkaibigan ah,” natatawa naman na sabi ni Randy kay Bernard.“Naku, wala po iyon dad. Naiinip na po kasi ako kaya nagkwentuhan na lang po muna kami saglit ni Jayson,” sagot ni Bernard sa kanyang ama.“Dinamayan ko lang po muna si Bernard dito tito pano po kasi inip na inip na po siya at gusto na pong pumunta sa simbahan. Maghihintay pa rin naman po siya roon kahit na mauna pa siyang magpunta roon,” natatawa pa na sabi ni Jayson sa ama ni Bernard. “Sige po aalis na rin po ako. Mauna na rin po ako na pumunta sa simbahan,” dagdga pa niya at saka siya tumayo at nagmano da mga magulang ni Bernard.“Sige hijo. Mag iingat ka,” sagot naman ni Diana sa binata.Nang tuluyan ng makaalis si Jayson ay sakto naman na dumating na rin si Jonathan doon. Kukuhanan din kasi sila ng larawan na buong pamilya kaya sila nagtipon tipon sa silid ni Ber
Read more