Share

CHAPTER 234

Author: Anne
last update publish date: 2026-05-07 19:06:17

CHAPTER 234

Sa kabilang banda naman pagsapit ng hapon ay pinayagan na rin nga na makalabas ng ospital si Maxene dahil naging maayos na rin naman ang lagay nito. Mahigpit pa rin nga silang binilinan ng doktor na umiwas muna ito sa stress dahil baka maulit na naman nga ang nangyari rito kanina na nawalan ito ng malay.

Agad naman na dumiretso sila Bernard at Maxene sa hotel na kanilang tinutuluyan dahil naroon pa rin nga ang ina ni Bernard at pati na rin ang kanilang anak. At hanggang sa makaratin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 234

    CHAPTER 234Sa kabilang banda naman pagsapit ng hapon ay pinayagan na rin nga na makalabas ng ospital si Maxene dahil naging maayos na rin naman ang lagay nito. Mahigpit pa rin nga silang binilinan ng doktor na umiwas muna ito sa stress dahil baka maulit na naman nga ang nangyari rito kanina na nawalan ito ng malay.Agad naman na dumiretso sila Bernard at Maxene sa hotel na kanilang tinutuluyan dahil naroon pa rin nga ang ina ni Bernard at pati na rin ang kanilang anak. At hanggang sa makarating sila sa hotel ay nanatiling tikom ang bibig ni Bernard sa mga nangyari kanina.“Kumusta na ang pakiramdam mo hija? Ayos ka na ba?” puno ng pag aalala na tanong ni Diana kay Maxene pagkarating nito roon at hinawakan pa nga niya ang kamay nito.“Ayos naman na po ang pakiramdam ko mom. Siguro po sa sobrang takot ko kanina kaya po nahirapan akong huminga at nawalan po ako ng malay. Pero ngayon po ay okay naman na po ako,” sagot ni Maxene sa ginang. “Si baby po? Nasaan po siya?” tanong pa niya.“N

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 233

    CHAPTER 233Samantala naman sa presinto ay hindi talaga umalis si Randy doon hanggat hindi naiipasok sa loob ng kulungan si Irish.“Parang awa nyo na po. Ayoko pong makulong. Hindi ko po sinasadya na mabaril si Joseph. Pakiusap po wag nyo na po akong ipakulong,” pakiusap ni Irish kay Randy at halos lumuhod na nga ito sa harapan nito para lamang hindi siya ipakulong nito.“Hindi sinasadya? Sige, sabihin na natin na hindi mo sinasadyang mabaril at mapatay si Joseph pero sino ba dapat ang babarilin mo? Si Maxene diba? Si Maxene ang balak mong barilin kaya sa tingin mo ba ay makapapayag pa rin ako na hindi ka mabulok sa kulungan na ito? Noong una nag agaw buhay si Maxene at pati na rin ang apo ko dahil sa kagagawan mo at ngayon pinahamak mo na naman si Maxene at ang mas malala pa pinatay mo ang apo ko kaya magdusa ka r’yan sa loob ng kulungan habambuhay,” gigil na gigil na sabi ni Randy kay Irish at saka niya ito sinipa dahilan para matumba ito sa sahig.Lalo namang humagulhol ng iyak si

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 232

    CHAPTER 232Samantala naman pagkarating nila Bernard at Maxene sa ospital ay agad naman na isinugod sa loob ng emergency room si Maxene at naiwan lamang sa labas noon si Bernard.Mahigit kalahating oras naman ng naghihintay si Bernard sa labas ng emergency room at umaasa siya na nasa maayos lang na lagay si Maxene ngayon. Sobrang nag aalala kasi siya rito at ayaw naman niyang maulit na naman ang nangyari noon na matagal itong nawalan ng malay.Naupo na rin nga muna siya sa upuan na naroon at nang mapatingin siya sa kanyang kamay ay nakita niya ang bahid ng dugo roon kaya naman naalala niya bigla ang kanyang pamangkin na si Joseph.Agad naman na niyang kinuha ang kanyang cellphone upang tawagan ang kanyang ina dahil inaabangan din talaga niya na dumating doon sa ospital si Joseph pero hindi nga ito dinala roon kaya naman naisipan niyang tawagan na lamang ang kanyang ina para makibalita sa nangyari kay Joseph. Nakailang ring pa nga iyon bago tuluyang sinagot ni Diana ang kanyang tawag

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 231

    CHAPTER 231“A-Anak… Joseph anak,” sabi pa ni Pamela at saka siya dahan dahan na naupo sa sahig at habang nanginginig ang kanyang kamay ay hinawakan niya ang mukha ng kanyang anak na si Joseph. “Jusko… anak kooooo… Joseph, gumising ka. Anak pakiusap gumising ka,” sabi pa niya habang humahagulhol ito ng iyak.Tumabi naman na muna si Bernard at muli na niyang binalikan si Maxene habang naghihintay sila sa pagdating ng ambulansya. At habang tinititigan niya si Joseph ay muling bumalik sa kanyang alaala ang magandang samahan nilang dalawa noon kaya naman muli na naman siyang napahagulhol ng iyak habang nakatitig sa kanyang pamangkin.“Bakit ganito.. gumising ka Joseph. Bakit hindi sya nagigising. Joseph gumising ka, please anak… gumising ka,” sabi pa ni Pamela habang humahagulhol ito ng iyak at yinuyugyog ang katawan ng kanyang anak.Nang marinig naman ni Veronica ang kaguluhan na iyon ay hindi na talaga siya nagpapigil pa at wala na siyang pakialam pa kahit na mabigat ang suot niyang g

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 230

    CHAPTER 230Samantala naman tahimik pa rin na umiiyak si Maxene at sobrang takot na takot na talaga siya ng mga oras na iyon at ramdam na niya na anumang sandali ay mawawalan na siya ng malay dahil sa sobrang panginginig na rin ng kanyang buong katawan.“Wag na wag kayong magkakamali na gumaw ang hindi ko magugustuhan dahil talagamg sasabog ang ulo ng babae na ito kapag hindu nyo pa rin sinunod ang gusto ko,” sigaw pa ni Irish sa mga naroon at talagang napapaligiran na sila ng naraming tao dahil nagdatingan na ang mga bisita nila Joseph at Veronica sa kanilang kasal.“I-Irish, please. T-tama na… h-hindi ko na—” hindi naman na naituloy pa ni Maxene ang kanyang sasabihin dahil tuluyan na nga siyang nawalan ng malay.Gulat na gulat naman si Irish ng biglang nawalan ng malay si Maxene at dahil nga parehas silang babae ay hindi niya kinaya ang bigat nito kaya naman nabitawan na niya si Maxene.“MAXENE!!!” sabay naman na sigaw nil Bernard at Joseph ng makita niya na bigla itong nawalan ng m

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 229

    CHAPTER 229Mapang asar naman na tumawa si Irish dahil sa sinabi na iyon ni Joseph at saka siya seryosong tumitig kay Joseph.“Wala na akong pakialam pa sa dahilan mong yan dahil isa lang ang malinaw sa akin at yun ay isa kang duwag… ni hindi mo man lang pinanindigan ang nararamdaman mo para kay Maxene,” gigil naman na sagot ni Irish kay Joseph. “At isa pa bakit naman ako makikinig sa isang katulad mo? Wag ka na lamang makialam pa rito dahil hindi ka na kasali sa gulo na ito. Hindi ba at sumuko ka na sa ipinaglalaban mo kaya wag ka na lamang mangialam pa sa amin. Ang mahalaga sa akin ngayon ay si Bernard… si Bernard ang gusto ko… si Bernard lang ang mahal ko at si Bernard lang ang gusto kong makasama habambuhay at hindi ako makapapayag na mapunta siya sa ibang babae lalong lalo na sa mang aagaw na ito,” pagpapatuloy pa niya at saka niya idiniin muli sa ulo ni Maxene ang hawak niyang baril.Naipikit na lamang talaga ni Maxene ng mariin ang kanyang mga mata habang patuloy siya sa pag iy

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 11

    CHAPTER 11 Mabilis naman na lumipas ang isang linggo at ngayon na lamang muli pumasok sa opisina si Maxene. Simula kasi ng mahuli ni Maxene ang kanyang nobyo na si Joseph na may kasamang ibang babae sa kama at nagpunta siya sa isang bar at nagising na lamang siya na may katabing lalaki sa kama

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 13

    CHAPTER 13Agad na rin naman na nagsimula sa kanyang trabaho si Maxene at dahil nga isang linggo siyang nawala ay talagang tambak ang kanyang trabaho ngayon.Gaya naman ng sinabi ni Bea ay doon na rin muna niya ginawa ang kanyang mga trabaho sa opisina ni Maxene. Mabuti na lamang talaga at may extr

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 9

    CHAPTER 9Gaya ng sinabi ni Bryan ay talagang sinundo nila si Bernard sa kumpanya nito dahil talagang gusto nilang makasama ang kanilang kaibigan dahil matagal tagal na rin talaga na hindi sila nakakalabas na tatlo dahil sa pare pareho silang mga abala sa kani kanilang mga kumpanya.Agad na rin nam

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 14

    CHAPTER 14Tila naman hindi nakakaramdam ng awa si Maxene kay Joseph ng mga oras na iyon dahil nangingibabaw sa kanya ngayon ay ang galit dahil sa ginawa nitong panloloko sa kanya.“Pwede ba tumigil ka na dahil hinding hindi na ako magpapaloko pa sa’yo. Tama na ang minsang nasaktan ako ng dahil sa

    last updateLast Updated : 2026-03-17
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status