"Tahan na, 'wag ka na umiyak." Panay ang punas niya sa luha ng kapatid niya, "Hintayin natin si Nanay, uuwi na siya." Tahimik kaming nakasunod sa kanila hanggang sa umupo sila sa isang malaking bato katapat ng sakayan ng jeep. "A-ang s-sakit palo ni Lola, hindi naman ako nauna makipag away eh," pinaupo siya ng kuya niya sa bato, "S-sabi Yeye hindi na daw uuwi si Nanay. H-hindi na daw niya tayo mahal, nagasawa na raw siya ng iba." Lalo na namang lumakas ang iyak ni Neneng kaya niyakap siya ng mahigpit ni Nonoy at isinubsob ang mukha nito sa dibdib niya. "Hindi totoo 'yon, tignan mo uuwi na si Nanay hintayin natin siya dito." "Hindi naman totoo yan!" Hinampas siya ng kapatid sa balikat, "Sinabi mo yan kahapon, pati kahapon kahapon, pati kahapon kahapon kahapon! Pero hindi naman dumadating Nanay!"
Last Updated : 2026-01-06 Read more