Claire's POV"Paabot ng ulam anak." Napangiti ako nang marinig 'yon. Kinuha naman ni Clark ang paksiw at inabot kay Papa. "How about you, babe? Gusto mo?" tanong niya sa 'kin. "Ayoko." "Paborito mo paksiw na bangus ah?" puna ni kuya Von pero nginitian ko lang siya.Umaakto kaming parang walang nangyari dahil ayaw na naming malaman pa ni Papa. Masyado kasi siyang maaalalahanin at baka atakihin pa siya. After a few minutes, naglagay ng laman ng bangus si Clark sa plato ko. Wala nang tinik 'yon kaya napangiti ako. Alam na alam niya kasing ayaw kong maghimay ng isda, kakilig! "Kamusta ka naman dito? Nakapaglibot na ba kayo?""Aah hindi pa po." Sinulyapan niya kami, isa-isa naman kaming nag-iwas ng tingin, "Napagod po kasi sa byahe eh, ipinahinga na po muna namin yung buong araw.""Oo nga mahal, pinagpahinga ko muna sila at alam mo naman malayo ang byahe nila." "Aah, ganon ba? Oh sige, bukas mag boodle fight tayo ha?" kaagad akong naexcite sa sinabi niya."Talaga Pa?""Oo, magdadala
Last Updated : 2026-01-01 Read more