STEPHANIE’S POV:“What did he say, Dad?” pangungulit niya sa ama.Marahang umiling si Johnny. “Hindi niya sinagot ang tawag, at wala rin siyang reply sa mga message ko, anak,” malungkot nitong balita.Kapansin-pansi ang panlulumo sa kanyang mukha.Agad namang nagsalita ang kanyang mommy sa tabi niya. “Baka lang abala siya kaya hindi nakasagot. Sa tingin ko naman, maganda ang naging impresyon sa’yo ni Mr. Blaze kagabi.”Pagkarinig noon, bahagyang gumaan ulit ang pakiramdam niya. Muli siyang nagkaroon ng pag-asa. Sabagay, Mr. Blaze is a busy man, kaya iniisip niyang busy lang ang binata.“It’s okay, Dad… tawagan mo na lang ulit siya mamaya,” suhestiyon niya sa ama.Puwede namang siya ang tumawag, pero ayaw niyang magmukhang cheap sa paningin ni Kiel. Hindi niya sasayangin ang pagkakataon, kaya hindi siya gagawa ng kahit ano na makakapag-turn off kay Blaze sa kanya.Kagabi, habang kausap niya si Blaze, naging mahinahon at magalang ito. Malumanay ang boses at tila tunay na nakikinig sa ka
Last Updated : 2026-02-17 Read more