“Walang saysay,” malamig na sabi ni Mayumi habang nakatayo sa gitna ng opisina. Hindi man siya nagtataas ng boses, sapat ang bigat ng kanyang tono upang mapatahimik ang silid. “Kung naglakas-loob ang Valerio Corporation na gawin ito, siguradong napaghandaan na nila ang lahat. Hindi sila kikilos nang walang back-up na plano.”Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy.“Kung magsasampa tayo ng kaso ngayon, wala tayong mapapala. Sa halip, maaaring tayo pa ang makasuhan. Bukod pa roon, kilala ang impluwensya nila sa syudad. Marami silang koneksyon... sa negosyo, sa media, pati sa gobyerno. Kapag pinilit nating labanan sila sa legal na paraan ngayon, madali tayong mababalikan. At sa huli, mas lalo lang mapapasama ang sitwasyon ng MK Firm.”Natigilan si Peter. Kanina lamang ay puno siya ng galit at panic, ngunit ngayon ay tila unti-unting lumilinaw sa kanya ang ibig sabihin ni Mayumi. Hindi niya man lubos na kilala ang Valerio Corporation, narinig na niya ang reputasyon nito sa ibang bansa.
Read more