Sa pag-aakalang hindi na magtatagal si Mayumi sa mk, sinamantala ni Maxine ang pagkakataon upang medyo magpabaya sa trabaho.Kung tutuusin, bakit pa siya magpapakapagod? Sa isip niya, ilang araw na lang at mawawala na rin naman si Mayumi sa kumpanya. Kapag nangyari iyon, mas gagaan ang buhay sa opisina.Samantala, si Stephanie ay may ibang iniisip. Matagal na niyang pinaplano kung paano muling mapalapit kay Kiel Blaze. Mula nang dumating siya sa MK, tila ba tuluyang nakalimutan siya ni Kiel. Halos hindi siya nito pinapansin. Sa tuwing sinusubukan niyang lumapit... magdala ng kape, magbigay ng dokumento, o kahit simpleng makipag-usap, magalang lamang itong tumatanggi.Hindi siya binabastos. ngunit malinaw ang isang bagay... Wala itong interes sa kanya.Nabasa niya minsan sa isang online dating guide ang tungkol sa ganitong sitwasyon. Ayon sa payo roon, kapag babae ang nanliligaw sa lalaki, mas mahirap talaga. Ngunit hindi raw dapat maging masyadong agresibo. Kailangan, pagkatapos mong
Baca selengkapnya