Share

CHAPTER 152

Author: dyowanabi
last update publish date: 2026-03-08 17:52:02

“Walang saysay,” malamig na sabi ni Mayumi habang nakatayo sa gitna ng opisina. Hindi man siya nagtataas ng boses, sapat ang bigat ng kanyang tono upang mapatahimik ang silid. “Kung naglakas-loob ang Valerio Corporation na gawin ito, siguradong napaghandaan na nila ang lahat. Hindi sila kikilos nang walang back-up na plano.”

Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy.

“Kung magsasampa tayo ng kaso ngayon, wala tayong mapapala. Sa halip, maaaring tayo pa ang makasuhan. Bukod pa roon, kilala ang i
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Aileen Cabreros
bakit magkahawig Ang kwento ng Isang story n nabasa k
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 199

    “Sigurado na akong maghihiwalay na sila.”Mahinang boses iyon, ngunit sapat para umalingawngaw sa maliit na grupo. Nakasandal si Patrick sa bar counter, hawak ang baso ng alak habang nakatitig sa likidong umiikot sa loob nito.“Pero kung kailan at paano… nakadepende pa rin kay Xavier.”Napailing ang ilan. May mga napairap, tila hindi kumbinsido.“Grabe, Patrick. Ganun ka kalapit kay Xavier pero hindi mo pa rin alam?” may bahagyang panunuyang sabi ng isa. “Ibig sabihin, hindi pa talaga tapos ang lahat?”“Sa totoo lang,” singit ng isa pa, “parang hindi na rin naman siya ang may kontrol kung matutuloy ang hiwalayan o hindi.”Napakunot ang noo ni Patrick. “Anong ibig mong sabihin?”Bahagyang lumapit ang lalaki, saka ibinaba ang boses. “Ang lola ni Xavier… pabor na pabor kay Mayumi.”Agad na natahimik ang grupo.“Kung hindi siya sang-ayon, sa tingin mo ba gagawin ni Xavier ang isang bagay na makakasakit sa kanya? Kilala mo siya. Hindi niya kayang suwayin ang lola niya.”Saglit itong tumigi

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 198

    Gabi na nang tuluyang mapuno ang buong hotel. Isang engrandeng lugar na eksklusibong ipinabook ni Ginoong Valerio para sa espesyal na okasyon.Ang unang tatlong palapag sa itaas ay nakalaan para sa mga regular na bisita bilang mga lounge. Samantalang ang mga susunod na palapag ay hinati-hati para sa mga pribadong lounge ng iba’t ibang pamilya. At sa pinakatuktok, nandoon ang lounge ng pamilya Valerio.Tahimik, elegante, at puno ng kapangyarihan. Sa isa sa mga silid doon inilagay ang gown na inihanda ni Xavier para kay Mayumi, isang gown na tila simbolo ng isang relasyong unti-unting nagiging komplikado.Paglabas ni Mayumi mula sa elevator, agad niyang napansin si Kiel sa hallway. Nakasandal ito sa pader, naka-cross ang mga braso. Ang isang kamay ay sumusuporta sa kanyang siko, habang ang hinlalaki naman ay bahagyang nakadikit sa kanyang labi... isang pamilyar na postura.Matagal na niyang hindi nakikita si Kiel na ganito. Ganito lang ito kapag may mabigat na iniisip, kapag may problem

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 197

    Nagulat si Andra nang bigla siyang tawagin ni Xavier sa lounge, lalo na’t napakaseryoso ng tono nito.May kakaibang bigat sa boses ng kanyang kuya na hindi niya madalas marinig.Pagpasok pa lamang niya sa loob, agad siyang napahinto. Malamig ang ekspresyon ni Xavier, parang pinipigilan ang galit.Si Ysabel naman ay tahimik sa gilid, ngunit halatang tensyonado, ang mga mata ay may bakas ng pag-aalala at kaba.Biglang kumabog ang dibdib ni Andra. Matagal na niyang hindi nararamdaman ang ganitong klaseng atmosphere... yung mabigat, nakakasakal, at tila may sasabog anumang oras.Naalala niya ang mga panahong hindi pa naghihiwalay sina Xavier at Ysabel. Hindi man madalas ang kanilang pagtatalo, pero sa tuwing mangyayari iyon… ganito palagi ang hangin, punong-puno ng tensyon.Anong nangyayari? Nag-away na naman ba sila?Ngunit agad niya ring itinanggi iyon. Sa mga nakaraang araw, maayos ang lahat sa pagitan ng dalawa.Mas naging malapit pa nga sila. At doon… may isang pangalan na kusang su

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 196

    “Sige,” marahang tumango si Mayumi, ngunit ang kanyang tinig ay matatag at walang bahid ng pag-aalinlangan.Walang kahit anong pahiwatig ng biro sa kanyang mga salita, parang matagal na niya itong pinag-isipan, parang matagal na niyang inihanda ang sarili para sa ganitong sandali.Saglit na natigilan si Chrstian. Hindi niya inaasahan ang ganoon kabilis at kaseryosong sagot.“Hindi mo ba kailangang pag-isipan muna?” tanong nito, bahagyang nakakunot ang noo ngunit may nakapirming ngiti sa labi.“Kakahiwalay mo lang kay Xavier,” dugtong nito, bahagyang pabiro ang tono pero may halong pag-aalala. “Tapos ngayon, papasok ka agad sa relasyon… sa akin pa. Hindi ka ba natatakot sa sasabihin ng mga tao?”Mahinang natawa si Mayumi, isang tawang may halong pagod at pagtanggap. “Pagkatapos ng diborsyo ko kay Xavier, pag-uusapan ako ng mga tao kahit ano ang piliin ko. Kapag nanatili akong mag-isa, may masasabi sila. Kapag nakipag-date ako agad, mas lalo silang magsasalita.”Bahagya siyang napatingi

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 195

    Hindi na pinansin ni Xavier ang gulat at pamumutla sa mukha ni Ysabel. Wala itong sinabi, wala ring ipinaliwanag.Sa halip, marahas niyang binitawan ang kamay nito, parang may bagay na gusto na niyang putulin, isang bagay na matagal na niyang kinikimkim ngunit ngayon ay hindi na niya kayang dalhin pa.At pagkatapos tumalikod siya at naglakad ng diretso at walang pag-aalinlangan... Iniwan niya si Ysabel.Ang tunog ng kanyang mga hakbang ay unti-unting nawala sa malamig na gabi, kasabay ng katahimikan na iniwan niya sa pagitan nila.***** Huminto lamang si Mayumi nang marating nila ang hall. Mas maliwanag doon, mas maayos at mas ligtas.Ngunit ganun pa man, ay hindi nito nabura ang lamig na bumabalot sa kanyang katawan, o ang bigat na naiwan sa kanyang dibdib.Basang-basang pa rin ang kanyang buhok, tumutulo ang tubig pababa sa kanyang leeg. Ang kanyang damit ay dumikit sa kanyang balat, nagpaparamdam ng bawat panginginig, bawat alaala ng muntik niyang pagkalunod.Dahan-dahan siyang h

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 194

    Hindi man nagsalita nang direkta si Xaxier, hindi man ito umamin... alam ni Mayumi, alam niyang naintindihan ni Xavier ang lahat.Ang paraan ng pag-iwas ng tingin, ang bahagyang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata, ang katahimikang puno ng ibig sabihin. Ngunit kahit ganoon, pinili pa rin nitong huwag usigin ang katotohanan, pinili nitong huwag itong palakihin.Pinili nitong palampasin na parang walang nangyari, parang walang muntik mamatay at parang walang buhay na nalagay sa alanganin.Isang mahina at mapait na tawa ang kumawala sa labi ni Mayumi... halos hindi marinig, ngunit sapat para maramdaman ang bigat nito.Dahan-dahan niyang inangat ang kamay ni Xavier na nakahawak sa kanya… at marahang tinanggal iyon.... Hindi marahas, hindi galit kundi puno ng desisyon. Isang hakbang paatras, isang distansyang matagal na niyang dapat ginawa.“Hindi na kailangan,” mahinahon niyang sabi, ngunit malinaw ang bawat salita. “Kahit hindi ka sumama, alam ko ang daan.”Saglit siyang tumigil at saka

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 25

    Alam niya ang ibig nitong sabihin. Hindi niya napigilang mapangiti nang mapait.Sa mga taong nagdaan na kasal siya kay Xavier, akala ng lahat ay pinakasalan niya ito dahil sa pera.Habang nakatira siya sa mansion, kailangan ay puro mamahalin ang suot niya… damit, alahas, pati mga gamit, para hindi

    last updateLast Updated : 2026-03-19
  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 32

    Nang magsalita si Estrella ay bahagyang nanigas ang ngiti sa labi ni Ysabel, napahiya ito. Kinikilala ni Estrella ang posisyon niya bilang asawa ni Xavier sa bahay na iyon.Pero alam na alam niya na hindi siya ipinagtatanggol nito, ginagamit lang siya bilang kasangkapan.At tama nga. Pagkasabi pa l

    last updateLast Updated : 2026-03-19
  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 24

    Nagulat si Mayumi nang paglabas niya ng kwarto ay nandoon na si Xavier at nakakunot ang noo habang nakatingin sa maletang hila-hila niya.“Saan ka pupunta? Bakit ka may dalang maleta? Mayumi, hindi ka pa ba tapos sa pagdudulot ng gulo?”“Gulo?” naguguluhang tanong niya habang nakatingin kay Xavier.

    last updateLast Updated : 2026-03-19
  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 31

    ANDRA'S POV:Iniwan ni Andra si Mayumi na nakatayo sa gilid at sinadyang makipagkuwentuhan nang masaya kay Ysabel. Inaasahan niyang gagaya si Mayumi sa nakasanayan at magbibigay din ng regalo sa kanya. Plano pa nga sana niyang itapon ito nang hindi man lang tinitingnan, para ipakitang hindi niya g

    last updateLast Updated : 2026-03-19
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status