Matapos suriin ng doktor si Andra, napansin nitong may bahagya pa rin siyang lagnat, kaya ipinag-utos nito na ihanda ang isang private room para sa kanya at kinabitan siya ng suwero.Pagkatapos ng lahat ng pag-aalala at abala, sa wakas ay mukhang maayos na ang kalagayan ni Andra.Bahagya ring napagod si Mayumi, ngunit nagtipon pa rin siya ng lakas upang bumaba at bumili ng almusal para kay Andra, saka iyon dinala pabalik sa kuwarto ng dalaga.Pagpasok niya ay nakahiga lamang ito at halatang hinang-hina.“I already sent your mom a message, pero hindi pa siya nagre-reply. Malamang natutulog pa. Sigurado namang susunduin ka niya pag gising niya,” sambit niya kay Andra. “Hindi ko na binanggit ang tungkol sa gamot na nainom mo at kung bakit ka nagkaganyan. Kung gusto mo ikaw ang magsabi sa kanya, nasa iyo na ’yon. Kung maayos ka na, mauuna na ako,” paalam niya.Akma na sana siyang maglalakad papunta sa pinto nang magsalita si Andra.“Sandali...” tawag nito.Lumingon si Mayumi, hindi sigura
Dernière mise à jour : 2026-03-02 Read More