Ang huling mensaheng natanggap ni Xavier mula kay Mayumi, isang simpleng linya lamang.... Naghihintay siya sa labas ng ospital.Pero hindi niya ito pinayagang pumasok. At sa huli… tahimik itong umalis.Sa ilalim ng malamig na ulan, hindi ito nagalit, hindi ito nagtanong kung bakit, hindi ito humingi ng paliwanag. Parang… sanay na, parang wala na itong inaasahan.At ngayon, nakita niya itong muli... nakangiti, nakikipag-usap, at higit sa lahat kasama ang ibang lalaki.Nang maalala niya ang eksena nito at ni Christian, bahagyang umangat ang sulok ng kanyang labi. Isang malamig, mapang-uyam at puno ng panlalait na ngiti.“Magaling,” bulong niya sa sarili. “Talagang marunong kang magkunwari, Mayumi.”Sa pagkakataong ito, hindi na siya magpapadala, hindi na siya muling magiging… mahina.Sa loob ng mga araw na nasa ospital siya, pinag-isipan niya ang lahat. Bawat pangyayari, bawat sugat, bawat pagkakamali.Oo, may utang siya kay Mayumi, hindi niya iyon itinatanggi. Ngunit hindi rin niya kay
Ler mais