LOGINHuminto ang kotse sa labas ng isang tahimik na sementeryo sa hangganan ng Maynila.Makulimlim ang langit at marahang umiihip ang malamig na hangin, dahilan upang bahagyang gumalaw ang laylayan ng damit ni Mayumi nang bumaba siya ng sasakyan.Tahimik siyang tumingin sa malawak na hanay ng mga puntod sa harapan nila bago marahang nagsalita.“Wait for me.”Mahina lamang ang kanyang tinig ngunit sapat para marinig ni Christian.Hindi ito nagtanong, tahimik lamang itong tumango habang pinagmamasdan siyang maglakad papasok ng sementeryo.Mabagal ang bawat hakbang ni Mayumi. Parang bawat yapak ay may kasamang bigat na matagal na niyang pasan-pasan. Hanggang sa tuluyan siyang huminto sa harap ng isang puntod.Cindy Tala Santillan.Tahimik na nakaukit ang pangalan sa malamig na lapida. Napakalinis nito, walang alikabok, walang tuyong dahon. Halatang may regular na bumibisita rito.Bahagyang bumaba ang tingin ni Mayumi. Malamang… si Xavier.Wala nang ibang pupunta rito kundi siya. Ngunit ano pa
Matapos ang mahabang sandali, nagpakawala si Xavier ng isang malalim at mabigat na buntong-hininga.Parang gusto niyang pakalmahin ang kaguluhang unti-unting bumabalot sa kanyang isip, ngunit habang pilit niya itong itinatanggi, lalo lamang lumalalim ang hindi maipaliwanag na bigat sa kanyang dibdib.Tahimik niyang ibinaba ang dokumento sa mesa. Ngunit kahit nakalapag na iyon sa kanyang harapan, tila hindi pa rin niya magawang bitawan ang katotohanang nakaukit sa papel na iyon... na tuluyan na siyang binitiwan ni Mayumi.*****Nagising na si Grandma Corazon, ngunit nananatili pa rin itong mahina. Halos wala pa itong lakas para magsalita at tanging marahang pagpisil lamang sa kamay ni Mayumi ang naging tugon nito habang nakahiga sa kama ng ospital.Bahagyang ngumiti si Mayumi kahit ramdam niya ang paninikip ng kanyang dibdib.“Grandma… huwag na po kayong mag-alala sa kahit ano,” mahina niyang sabi habang inaayos ang kumot ng matanda. “Magpahinga lang po kayo at magpagaling.”Bahagyang
Natigilan si Andra nang sandali. Para bang hindi agad nagproseso sa isip niya ang sinabi ni Xavier.“Paano mo nalaman ’yan?”May bahagyang pag-aalinlangan sa kanyang boses habang nakatitig kay Xavier. Ngunit bago pa man ito makasagot, tila may biglang kumislap na ideya sa kanyang isip. Unti-unting nagbago ang kanyang ekspresyon, mula sa pagtataka ay naging matalim at puno ng pagdududa.“Wait…” marahan niyang sambit bago bahagyang lumaki ang kanyang mga mata. “Bakit pupunta si Mayumi sa ospital ngayon? Para kaya ’yan sa testamento?”Biglang humigpit ang kanyang tono. “Kuya, kailangan mong tawagan ang katulong sa ospital. Huwag mong hayaang makapasok si Mayumi. She might be there for Grandma’s shares!”Natahimik si Xavier. Ilang segundo siyang hindi nagsalita, tila maingat na pinipili ang mga salitang lalabas sa kanyang bibig. Pagkaraan ng ilang sandali, saka lamang siya dahan-dahang nagsalita.“Maybe Mayumi is not as bad as you think.”Halos agad namang napailing si Andra, halatang hin
“I do not mind you keeping contact with the Valerio family.”Mahinahon ang tinig ni Christian, ngunit may bigat, parang bawat salita ay maingat na pinili, hindi basta binitiwan.Alam niya hindi kailanman naging simple ang relasyon ni Mayumi sa pamilya Valerio. Pero iba ang relasyon nito kay Donya Corazon. Sa loob ng limang taon, kay Grandma naranasan ni Mayumi ang uri ng pag-aaruga na hindi kayang tumbasan ng kahit anong obligasyon. Hindi iyon basta ugnayang pormal. May halong damdamin. May alaala, may utang na loob na hindi nasusukat sa salita.At ang mga ganoong bagay, hindi basta pinuputol. Kahit pa kailangan nang matapos.*****Nagulat si Mayumi. Hindi niya inaasahan na ganoon kadaling mababasa ni Christian ang laman ng kanyang isip, na para bang bawat pag-aalinlangan niya ay malinaw dito.Ngunit kasabay ng gulat ay ang isang marahang ginhawa. At isang bagay na hindi niya inaasahang maramdaman... Pasasalamat. Dahil hindi siya pinigil, hindi siya hinusgahan at inunawa siya ni Chri
Nanatili ang nakagawiang banayad na ngiti sa mga labi ni Christian. Sa ilalim ng manipis na frame ng kanyang salamin, ang kanyang mapupungay na mga mata ay tahimik, kalmado, ngunit tila may itinatagong lalim na hindi madaling basahin.Mula sa unang tingin, wala namang nagbago, ngunit para kay Mayumi, may kakaiba. Ramdam niya na mas maayos ang mood nito ngayon kaysa kahapon. Ngunit hindi niya matukoy kung totoo iyon, o isa lamang sa maraming maskarang kayang isuot ni Christian.Saglit siyang nag-atubili. Pinag-isipan kung paano sisimulan ang tanong na kanina pa bumabagabag sa kanyang isip.Ngunit bago pa man siya makapagsalita, naunahan na siya... “Boyfriend mo ako,” mahinang saad ni Christian, tila ba nababasa ang kanyang iniisip. “Kung may gusto kang itanong, direkta mo lang itanong. Hindi mo kailangang hulaan ang mood ko. Makita lang kita… masaya na ako.” *****Tinitigan ni Christian si Mayumi, kalmado at tila walang bahid ng alinlangan. Mula pa nang sumakay ito sa kotse, napansin
Pinanood ni Christian si Mayumi habang dahan-dahan itong naglalaho sa loob ng gusali, ang anino nito’y tuluyang nilamon ng salamin at ilaw ng lobby. Saglit siyang nanatiling nakatayo, tila may binibilang sa isip, bago niya muling inilabas ang kanyang telepono.Mabilis niyang binuksan ang isang partikular na app. Ang post na nakita niya kanina ay wala na. Binura na ng kung sino ang nagpost pero huli na ang lahat.Ilang minuto lamang ang lumipas matapos itong i-upload, isang video na ang kumalat sa mga social circles sa Maynila. Hindi man ito umabot sa publiko, sapat na iyon upang makarating sa mga taong dapat makakita... At isa siya roon.Ayon sa timestamp, kinunan ang video noong gabi ring iyon. Sa loob ng screen, malinaw na makikita sina Xavier at Mayumi sa isang tahimik na koridor ng ospital. Hindi man ganap na malinaw ang kuha, sapat ang anggulo upang makita ang pagitan nila... masyadong malapit upang maituring na kaswal.Ang paraan ng pagtitig nila sa isa’t isa ay hindi pangkarani
Hindi nagtagal, muling ipinamahagi ang mga meryenda. Kinuha ni Kiel ang huling piraso na para sana kay Peter at naglakad patungo sa opisina nito. Bago pumasok, lumingon muna siya kay Mayumi at nagbigay ng panatag na tingin.Nakita na ni Peter ang kaguluhan sa labas sa pagitan ng mga blinds ng kanya
Kakababa pa lang niya ng telepono ay muli itong tumunog. Dalawang notification message ang natanggap niya.Ang isa ay galing kay Estrella… “Pumunta ka rito sa loob ng tatlumpung minuto, kung hindi ay lalamig ang sabaw.”Napahugot na lang siya ng malalim na hininga sa nabasa.Ang isa pang notificati
Sinuri siya ni Ysabel mula ulo hanggang paa at napaismid. “Mayumi, nakita mo naman noong nakaraan sa mansion kung paano ka ipinagtabuyan ni Xavier. Hindi ka pa nadadala? Wala ka na sa puso ni Xavier. Hindi ko inasahang susubukan mo pa ring gumamit ng kung anu-anong paraan para mapalapit sa kanya. H
MAYUMI’S POV:Walang kaalam-alam si Mayumi sa kung ano ang nangyayari sa labas ng pinto. Bumalik siya sa kanyang kwarto at sinukat ang damit na dinala ni Kiel.Ang matingkad na pulang gown ay kapansin-pansin ang kaseksihan dahil hapit iyon sa kanyang katawan. Iyon ang gustung-gusto niya roon.Nguni







