Napangiti si Mayumi, isang ngiting puno ng pagod ngunit may kasamang init at pag-asa."Oo," mahina niyang sagot. "Kakain tayong magkasama."Lalong lumambot ang mga mata ni Christian habang pinagmamasdan siya."Masarap ang pagkain sa café na 'yon," bulong nito. "At sigurado akong tatlumpung taon mula ngayon, magkahawak-kamay pa rin tayong kakain doon."Nang marinig iyon, bahagyang nangilid ang luha sa mga mata ni Mayumi. Tatlumpung taon?... napakahabang panahon noon, ngunit sa paraan ng pagkakasabi ni Christian, parang napakadaling abutin. Para bang wala itong duda na makakalabas sila rito. Para bang sigurado itong magkakaroon sila ng kinabukasan.Ibinaba ni Christian ang ulo nito at marahang hinalikan ang natitirang mga luha sa kanyang pilikmata ng dahan-dahan at maingat. Parang natatakot itong masaktan siya kahit kaunti.Ang mainit na hininga nito ay dumampi sa kanyang balat at nagdulot ng kakaibang kiliti sa kanyang mga mata at puso.Napapikit si Mayumi. Sa mga nakaraang araw, napak
Read more