“I’m actually that important for you, huh?”Narinig ni Mayumi ang mahina ngunit pamilyar na tinig ni Christian mula sa kanyang tabi... paos, mahina, ngunit may halong pang-aasar.Para siyang natigilan sa paghinga, dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin, at doon niya nakita si Christian... nakamulat na ang mga mata nito, maputla pa ang mukha at halatang nanghihina, ngunit malinaw ang munting ngiting nakaguhit sa labi nito habang nakatitig sa kanya.Saglit na tila huminto ang mundo ni Mayumi, hindi siya agad nakagalaw, hindi siya makapaniwala. Pakiramdam niya ay nananaginip lamang siya.Ngunit nang makita niyang tunay na gumagalaw si Christian at naramdaman ang init ng kamay nitong nakahawak pa rin sa kanyang pulsuhan, saka lamang tuluyang bumagsak ang pader ng emosyon sa loob niya.Biglang humapdi ang kanyang ilong. Kasabay niyon ang sabay-sabay na pagsabog ng takot, ginhawa, sakit, galit, at matinding saya sa kanyang dibdib.BUHAY SI CHRISTIAN!!!Hindi na niya napigilan ang sarili, ag
Leer más