MasukHabang papalapit ang gabi, unti-unting lumalambot ang liwanag ng araw. Maghapon na naghanap sina Mayumi at Christian ng daang maaari nilang lakaran pasulong.Sinuyod nila ang bawat posibleng ruta sa paligid ng bangin, umaasang makakahanap ng ligtas na daanan palabas.Ngunit sa bawat pagkakataong may makita silang tila daan, nauuwi rin iyon sa matatarik na bato, malalalim na hukay, o mga bahagi ng bangin na imposibleng tawirin.Dahil sa kanyang bali sa binti, halos hindi makagalaw si Xavier at napilitang manatili sa loob ng kuweba nang mag-isa sa buong maghapon.Sa umpisa ay paulit-ulit niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili na may paraan pa upang makaalis agad sila roon. Ngunit habang lumilipas ang mga oras at wala pa ring magandang balitang dala sina Mayumi at Christian sa tuwing bumabalik, unti-unti na niyang tinanggap ang realidad.Nahanap na niya si Mayumi... ang babaeng ilang araw niyang desperadong hinanap, ang babaeng dahilan kung bakit hindi siya nag-atubiling sumuong sa pan
Nag-echo sa buong lugar ang desperadong sigaw ni Andra.“Hanapin niyo siya! Iligtas niyo siya!”Maging ang malamig na hangin ng kabundukan ay tila hindi sapat upang pahupain ang takot at pagkataranta sa kanyang dibdib.Mukhang hindi komportable ang rescuer, ngunit nanatili itong propesyonal. Pinilit pa rin nitong magpaliwanag nang maayos tungkol sa mga panganib na nakapaligid sa lugar at kung bakit kinakailangan muna nilang maghanap ng mas ligtas na daanan bago maipagpatuloy ang operasyon.“Anong mas ligtas na daan?” halos mapasigaw na si Andra. “Naghahanap lang kayong lahat ng dahilan para hindi magtrabaho!”Napatingin sa kanya ang ilang rescuers. Kapansin-pansin ang pagkapagod sa kanilang mga mukha matapos ang ilang oras na paghahanap, ngunit wala ni isa sa kanila ang sumagot.Halatang nairita ang lalaking kausap niya. Sandaling tumigas ang panga nito habang pinipigilan ang sariling patulan ang mga salita ng dalaga. Gayunpaman, naisip niyang isa lamang itong batang babae na kakatata
"Anong ibig mong sabihin doon?" tanong ni Xavier, bahagyang nakakunot ang noo.Mabilis na ipinaliwanag ni Mayumi ang lahat ng nangyari, kung paano ito at si Christian nakaligtas matapos ang pagbagsak. Ang kwebang kanilang natagpuan, at ang mapanganib na kondisyon ng bangin na nakapaligid sa kanila.Habang nagsasalita ito, tahimik lamang na nakinig si Xavier. Nakatingin lamang siya sa mukha ng dating asawa na para bang natatakot siyang mawala ito kapag inalis niya ang kanyang mga mata rito.Nang matapos si Mayumi, agad itong nagtanong. "Paano naman sa panig ninyo? Kumusta ang rescue operation?"Mula simula hanggang wakas ay nanatiling kalmado ang tinig ni Mayumi. Parang hindi nila pinag-uusapan ang posibilidad ng kanilang kamatayan kundi isang ordinaryong problemang madaling maresolba.Sa isang iglap, napaisip si Xavier... Mayumi ba talaga ito? Ang babaeng natatandaan niya ay madaling masaktan?Noong pinalayas ito ng pamilya Valerio, halos araw-araw niya itong nakikitang umiiyak. Minsa
Napangiti si Mayumi, isang ngiting puno ng pagod ngunit may kasamang init at pag-asa."Oo," mahina niyang sagot. "Kakain tayong magkasama."Lalong lumambot ang mga mata ni Christian habang pinagmamasdan siya."Masarap ang pagkain sa café na 'yon," bulong nito. "At sigurado akong tatlumpung taon mula ngayon, magkahawak-kamay pa rin tayong kakain doon."Nang marinig iyon, bahagyang nangilid ang luha sa mga mata ni Mayumi. Tatlumpung taon?... napakahabang panahon noon, ngunit sa paraan ng pagkakasabi ni Christian, parang napakadaling abutin. Para bang wala itong duda na makakalabas sila rito. Para bang sigurado itong magkakaroon sila ng kinabukasan.Ibinaba ni Christian ang ulo nito at marahang hinalikan ang natitirang mga luha sa kanyang pilikmata ng dahan-dahan at maingat. Parang natatakot itong masaktan siya kahit kaunti.Ang mainit na hininga nito ay dumampi sa kanyang balat at nagdulot ng kakaibang kiliti sa kanyang mga mata at puso.Napapikit si Mayumi. Sa mga nakaraang araw, napak
Sa wakas, nakahinga nang maluwag si Mayumi.Matapos makitang mahimbing pa ring natutulog sina Christian at Xavier, tahimik siyang lumabas ng maliit na silungang ginawa nila para makaligtas sa lamig ng gabi.Mabagal siyang naglakad patungo sa mismong lugar kung saan nahulog si Xavier. Kagabi, puro dilim at ulan ang bumabalot sa paligid. Halos wala siyang makita kundi mga anino at ang nakakatakot na tunog ng rumaragasang hangin. Ngunit ngayong sumisilip na ang araw sa pagitan ng mga puno, mas malinaw niyang nakita ang tunay na sitwasyon nila.At lalo siyang kinabahan. Napakataas ng dalisdis na nasa itaas nila. Mistulang pader ng bundok ang tarik nito. Nababalutan pa ng makapal na lumot ang mga batong nakalitaw sa gilid. Dahil sa magdamag na ulan, kumikintab ang mga iyon sa basa, na para bang naghihintay lamang ng isang maling hakbang upang muli na namang may mahulog.Tahimik na napahawak si Mayumi sa sariling mga braso. Hindi niya alam kung paano nakaligtas si Xavier matapos mahulog mul
Agad na nakilala ni Xavier... Si Christian iyon.Kahit malabo na ang kanyang paningin dahil sa pagod at sakit, hindi siya maaaring magkamali. Ang tindig nito, ang paraan ng paglalakad nito kahit halatang nanghihina, at ang babaeng nakasunod sa tabi nito... si Mayumi!Naramdaman niya ang kakaibang paggaan ng kanyang dibdib. Nahanap niya sila!.. Buhay sila!Tinulungan ni Christian si Mayumi na makatayo mula sa pagkakaupo nito sa lupa. May sinabi ito rito na hindi na niya narinig dahil sa malakas na ugong sa kanyang mga tainga. Pagkatapos ay nagsimulang maglakad ang dalawa papunta sa kanyang direksyon.Sa kaparehong sandali, tila biglang nawala ang natitirang lakas sa kanyang katawan. Kanina pa niya pinipilit ang sarili na manatiling gising. Kanina pa niya nilalabanan ang matinding sakit na nagmumula sa kanyang balikat at binti.Ngunit ngayong nakita na niyang ligtas ang dalawa, tila wala nang dahilan para magpatuloy pa. Dahan-dahang pumikit si Xavier Valerio at tuluyang nawalan ng malay
Parang huminto ang mundo ni Mayumi nang marinig niya ang mga salitang iyon.Noong buong-buo pa ang pagmamahal niya kay Xavier, nagawa niyang isantabi ang sarili at gumawa ng mga kabaliwan, kabilang na ang pagmamakaawang maging sekretarya nito, para lang manatili sa tabi ni Xavier, maalagaan ang tra
"Go back."Nabaling ang tingin ni Alden sa kanya... “Saan po, boss? Sa mansion?”Akmang tatango siya nang biglang sumagi sa kanyang isip ang isang alaala. Noong umuwi siya at nakitang nababalot ng dilim ang mansion ay mukhang malungkot. Ano pa kaya ngayon na lumipat na si Mayumi ng tirahan... sigur
Napansin ni Ysabel ang biglang pagbabago ng mood ni Xavier.Kunwari’y hindi sinasadya, sumulyap siya sa screen ng phone nito at nakita ang pangalan ni Mayumi sa chat.Si Mayumi na naman! inis na sabi niya sa sarili.Kampante siyang kaya niyang alisin ang kahit sinong humaharang sa pagitan nila ni X
Itinaas ni Ysabel ang kamay nito at marahang hinaplos ang mukha niya, puno ng pag-aalala ang mga mata.“Kitang-kita na pumayat ka sa loob lang ng ilang araw. Nasasaktan ka rin siguro, dahil sa paghihiwalay n’yong dalawa ni Mayumi...”Napahinto siya. Bigla niyang naalala ang eksenang nakita niya kam







