GREEN BEAN CAFÉMahina ang tugtog sa loob ng Green Bean Café, jazz na halos hindi marinig dahil sa mahinang bulungan ng mga tao. Umuusok pa ang latte ni Calista pero malamig na ang mga kamay niya habang nakaupo sa tapat nina Psyche at Claire.Napansin iyon ni Claire.“Cali, magkuwento ka nga,” ani Claire habang iniikot ang straw sa iced coffee niya.“Ang tahimik mo kanina pa. Hindi ‘yan normal.”“Saan?” maang na tanong ni Calista, pilit na ngumiti, sabay sulyap kay Psyche na para bang humihingi ng tulong.“Ayyy… maang-maangan,” napasimangot si Claire.“Spill it na. Alam mo namang hindi kami titigil.”Huminga nang malalim si Calista. Saglit siyang tumingin sa bintana, sa mga taong dumadaan—parang gusto niyang tumakas kahit sa tingin lang. Nang magsalita siya, mas mababa na ang boses niya.“Yun na nga…” panimula niya.“Before namatay si Daddy, malaki na talaga ang utang namin sa mga Wang.”Napahinto si Psyche sa pag-inom.“Utang?” ulit niya.Tumango si Calista, nanginginig ang daliri ha
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-01-09 อ่านเพิ่มเติม