Kumalas siya sa pagkakayakap kay Neo at hinawakan ang magkabila nitong pisngi gamit ang dalawa niyang kamay. She saw the anticipation in his eyes that made her heart ache even more with the thought that some things couldn't happen very soon because of the situation."Hindi po ba pwede, Mommy?" Nanginginig ang boses nitong tanong.Isang masuyong ngiti ang sumilay sa kanyang labi sa kabila ng mga luha sa kanyang pisngi. "Mangyayari naman yun, anak. Kaya lang... kaya lang hindi muna sa ngayon. Ano kasi... may importante pang work si Daddy. Pero kapag okay na ang lahat, pupuntahan ka na ni Daddy."Sandali itong natahimik bago napayuko. "Hindi po ba ako love ni Daddy? Alis po siya agad kanina. Hindi po siya nagsmile. Galit ba siya kasi bato ko siya ng toys noong nakaraan?"Mahina siyang natawa bago umiling. "Of course not. Your Daddy wants to meet you so badly, Neo. Kaya lang hindi pa pwede. Daddy is a hero. He needs to save someone first."Napatango-tango naman si Neo kaya bahagya siyang
더 보기