Pakiramdam ni Autumn tumigil sa pagtakbo ang oras. Nakatitig siya ngayon sa isang napakapamilyar na mukha. Ang mukhang ilang taon na niyang iniiyakan dahil sa pangungulila."Nicolo..." Mahina niyang sambit, sakto lang na marinig siya ng lalaki.Pero hindi ito lumingon sa kanya at nanatili lang ang atensyon kay Mateo. "Diba sabi ko sayo wag lalabas ng hindi nagpapaalam?" Masuyo nitong sambit."Sorry, Papa. Gusto ko lang ng tutubi kaya takbo ako dito," nakanguso nitong wika. "Galit po ba ikaw?Huminga ito ng malalim bago muling nagsalita. "Hindi naman. Nag-aalala lang si Papa," anito sabay buhat kay Mateo.At ang mas lalo pang dumurog sa puso ni Autumn ay ang paglapit ni Elara sa lalaki. "Hayaan mo na. Ang importante hindi naman siya napano. Tsaka si Doc Autumn naman ang nakakita sa kanya, at ginamot pa ang sugat niya," anito at iminuwestra ang kinatatayuan niya.Autumn felt like her world began spinning slowly but when their eyes met, she saw no recognition in them. Naaalala pa niya no
Huling Na-update : 2026-01-12 Magbasa pa