Bryan’s Pov Pagdating namin nakita ko silang lahat na busy na busy sa mga ginagawa nila. Nag-aayos sila sa mga decorations sa bahay. Ang alam ko sa beach gaganapin ang salo-salo. Para pag sino 'yong gustong mag swimming malapit lang. May mga bisita na rin at sa hotel sila dumeretso. Libre lang ang hotel ngayon at bukas para sa mga bisita. "Oh? Nandito na pala kayo," nakangiting sabi ni Mom saka yumakap sa 'min ni Shane. "Kanina pa kami naghihintay sa inyo," sabi ni Dad na naka upo sa sofa. "Mag meryenda na muna tayo." Mom said with her sweet smile. Agad namang kumuha ng meryenda si Manang. "Okay lang ba ang byahe ninyo?" tanong ni Dad. "Ako, okay lang. Ewan ko sa isa riyan. Siya pa naman ang celebrant pero daig pang binagsakan ng langit. Kanina pa 'yan sa bahay," sabi ni Shane sabay nguso sa 'kin. "Oh? Anyare sa 'yo, anak?" tanong ni Mom. "Okay lang ako, Mom," sagot ko saka kinuha ang isang basong juice at ininom ito. "Mukha ka namang 'di okay Kuya, eh." Irap saad pa ni S
Read more