Rhiann’s Pov Naglakad na siya paalis kaya naglakad na rin ako patungo sa classroom namin. Pagkapasok ko nakita ko ang mga kaibigan ko na nakaupo sa upuan nila, nag-uusap. "Uy! Andyan ka lang pala!" nakangiting sabi ni Aya, pero halatang nag-aalala. "Saan ka galing?" tanong ni Jake. "Sa rooftop," sabi ko. "Sino kasama mo do'n? Mukhang masaya ka na, ah." nang-aasar na tanong ni Tob. "Ahh, si Tyron. Bigla kasi siyang sumulpot sa tabi ko kanina. Do'n pala siya tumatambay," nakangiti kong sagot. "Hhmm. 'Yon lang ba?" nag-aasar na tanong naman ni Tom. Napanguso ako. Alam kong pinapagaan lang nila ang loob ko. "Actually, nagka-usap kami, tinanong niya kung ano raw ang problema ko." Sagot ko. Tumango-tango naman sila. "Masarap ba?" tanong ni Kevin habang may nakakalokong ngiti. Nagtataka naman ako dahil sa tanong niya. "Ang ano?" takang tanong ko. "Kausap si Tyron,” aniya sabay tawa. Naiiling namang natawa si Tob at binatukan siya, ganun na rin sina Jake at Tom. Kala ko pa nam
Ler mais