Rhiann’s Pov Makahulugang tiningnan ko ang kaibigan kong namumula ang mukha na parang kamatis. Mukhang hindi nito inaasahan ng sinabi ni Tob. "Aba malay ko bang nanliligaw ka, eh wala naman akong natatanggap na chocolates and flowers!" sabi ni Shane na ngayon ay nakatingin na kay Tob. Yiieee. "Gusto mo ngayon na? Bibili ako ng maraming flowers at chocolates." Nakangiting sabi ni Tob namula naman si Shane. Napahagikhik ako ng mahina dahil ang cute nila. Sweet! "Ikaw honey, kailan mo pa ako sasagutin?" tanong naman ni Tom kay Aya. Bigla na lang siyang namula. Alam kong noon paman my gusto na sila sa isa't isa, eh. Halatain din kasi ‘tong dalawa. Pfft! "T-tumahimik ka nga!" nahihiyang sabi ni Aya. Ang cute! "Sus! Pakipot ka pa, nget, mahal mo naman." Natatawang sabat ko na mas lalong ikinapula ni Aya hehehe. Cute! "Nget, naman, eh.." nahihiyang sabi ni Aya sakin. "Yong isa naman d'yan ayaw pa akong sagutin," parinig ni Kevin na alam kong kay kath. Lalong namula si Kath
Read more