Rhiann’s Pov.Sabagay, matalino nga naman si Shane. At matalino at advance mag-isip. "Bakit? Naniniwala ba kayong totoo ang aliens?" tanong ni April."Ako hindi, sa story lang ang lahat," sabi ni Kath."Oo nga," sang-ayon ni Kevin."Ako, naniniwala ako." Nakangiting sabi ko."Talaga? Bakit naman?" tanong ni Aya."Nakakita ka na ba ng aliens?" tanong ni Shane."Hindi. Pero, base sa mga movies totoo siya. Hindi niyo ba napapansin tuwing may new na madi-discover gagawan agad ng movie? 'Tsaka, naniniwala ako dahil may nagpapatunay na rin na totoo ang mga aliens." Nakangiti kong sabi."Weh? 'Di nga?" sabi pa ni Kath."Oo nga!" giit ko pa."Aliens do really exist but they are invisible to us. Specially, kung wala kang ability na makakakita sa kanila." Sabat ni Jake. Oh, 'di ba? Totoo ngang may Aliens. Sa theory namin hehehe."Talaga? Anong ability naman 'yon?" tanong ni Tob."Like may third eye ka. You can see them, if they want you to see them. According to what I heard, mababait naman
Ler mais