“¡Usted es inútil!”Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking mukha, sapat para umalingawngaw ang tunog sa buong silid. Para bang bumasag iyon hindi lang sa katahimikan, kundi sa natitira ko pang lakas. Bumaling ang ulo ko sa gilid, nawalan ako ng balanse, at bumagsak sa malamig na sahig na tila isang bagay na itinapon matapos mawalan ng silbi.Napahawak ako sa pisngi ko. Mainit. Mahapdi. Basa. Nang ilayo ko ang kamay ko, nakita ko ang pulang bakas ng dugo mula sa labi kong muling pumutok. Nilasahan ko iyon nang hindi ko namamalayan, at gaya ng dati, sinalubong ako ng alat at pait. Isang lasang pamilyar. Isang lasang matagal ko nang kinamumuhian ngunit hindi ko matakasan.Hindi pa tuluyang naghihilom ang mga sugat ko, may panibago na naman. Ang mga pasa sa braso ko ay hindi pa nawawala, ang mga marka sa hita ko ay masakit pa ring hawakan, at ang mga galos sa likod ko ay tila paulit-ulit na ipinapaalala sa akin kung sino ako sa mundong ito. Ang katawan ko ay parang talaan ng karahasa
Last Updated : 2026-01-12 Read more