LOGIN“This is the final boarding call for passengers Isabella Rodriguez and Alessandra Alcaraz booked on flight 4B7 to Hawaii, Honolulu City. Please proceed to gate 3 immediately. The final checks are being completed and the captain will order for the doors of the aircraft to close in approximately three minutes time. I repeat. This is the final boarding call for Isabella and Alessandra. Thank you.”
Nang marinig ko 'yon ay nagmamadaling binitbit namin ang mga bagahe namin ni Isabella, hindi ko naman expect na ganoon pala ka-traffic. Late na kami dahil sa sobrang traffic, hindi ata umuusad 'yong mga sasakyan dito sa Spain! At ang asawa pa ni Isabella na si Alejandro, parang ayaw pa siyang pakawalan. Pero hindi naman mananalo si Alejandro kapag nagsabi na si Isabella kung ano ang gusto niya. Kaya ang ending, pinayagan siyang samahan ako mag bakasyon. Hingal na hingal kami habang nakaupo sa airline seats, saktong-sakto pa naman na sa tapat ako ng window seats. Kaya kitang-kita ko ang mga ilaw sa labas, gabi na at sobrang dilim sa labas. Siguro ay bukas nang umaga pa kami makakarating sa Hawaii. “Ladies and gentlemen, welcome onboard Flight 4B7 with service from Spain to Hawaii. We are currently third in line for take-off and are expected to be in the air in approximately seven minutes time. We ask that you please fasten your seatbelts at this time and secure all baggage underneath your seat or in the overhead compartments. We also ask that your seats and table trays are in the upright position for take-off. Please turn off all personal electronic devices, including laptops and cell phones. Smoking is prohibited for the duration of the flight. Thank you for choosing Mountain Airlines. Enjoy your flight.” “Huwag mo naman ipahalata na sobrang excited ka,” nakangising wika ni Isabella. Nginisian ko lang ito at pabirong bintukan. “Sira! Syempre, first time kong makaalis sa bahay nang wala pa si Lorenzo.” Nagtaas siya ng kaliwang kilay at nanliliit mata akong tiningnan. “Nasaan na naman 'yang pangit mong asawa?” Napalunok naman ako at nag-iwas ng tingin. “Nandoon kay G-gabriela,” tipid na sagot ko. Kinurot naman niya ako at pinalo nang mahina. “Sira ka talaga!” Pinanlakihan naman niya ako ng mga mata. “Kita mo na! Niloloko ka ng asawa mo, tapos ikaw parang wala lang sa'yo at tinitiis mo kase iniisip mo 'yong ibinayad niya sa mga magulang mo na walang puso. Kaya ka pala pinayagan, baliw ka. Jusko, ako nai-stess diyan sa asawa mo, Alessandra. Kung may choice lang ako na puwede siyang chop-chop-in, ginawa ko na,” gigil na sabi nito at pinaikot pa ang mga mata niya. Hindi na ako umimik pa. Matagal ko ng alam na niloloko ako ni Lorenzo, pero hindi ko na siya pinakialaman dahil bubugbugin niya lang ako at isusumbat na asawa ko lang siya sa papel. Pero kung gano'n pala na may gusto siyang iba, bakit pa niya ako pinakasalan? Bakit hindi na lang 'yong mga nakikilala niyang babae na mas maganda at maayos? Isa lang naman ang dahilan na naiisip ko, he just wanted to see me suffer and hurting. Gano'n siya ka-gago. “Cabin crew, prepare for take-off,” said the Captain of plane. Hindi naman ito ang unang beses na sumakay ako ng eroplano pero nasusuka pa rin talaga ako na nahihilo kapag sumasakay rito, kaya ang ginagawa ko na lang ay matulog sa biyahe. “Good Evening, passengers. This is your captain speaking. First I'd like to welcome everyone on Rightwing Flight 4B7. We are currently cruising at an altitude of 33,000 feet at an airspeed of 400 miles per hour. The time is 7:18 pm. The weather looks good and with the tailwind on our side we are expecting to land in Hawaii, Honolulu City approximately fifteen hours and twenty-eight minutes ahead of schedule. The weather in Hawaii is clear and sunny, with a high of 24 degrees for this morning. If the weather cooperates we should get a great view of the city as we descend. The cabin crew will be coming around in about twenty minutes time to offer you a light snack and beverage, and the inflight movie will begin shortly after that. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, sit back, relax and enjoy the rest of the flight.” Natulog na lang ako sa buong biyahe dahil sobrang tagal pa naman bago kami makarating doon. Siguro ay umaga na sa Hawaii bago kami makarating sa destinasyon namin. Ginusto ko 'tong puntahan, kaya magtitiis ako sa biyahe kahit hindi na ako mapakali sa upuan ko dahil gusto ko 'yong hihiga ako sa kama o kaya naman ay sa sahig. Hindi ko na naisipan pa na umuwi sa Pilipinas, dahil alam ko naman na ayaw akong makita ni Nanay at Tatay ro'n, baka nga palayasin pa 'ko at pabalikin bigla sa Spain kung pupunta ako, eh. “Wala kang kuwenta! Isang daan lang wala ka pa? Punyetang buhay 'to!” malakas na sigaw ni Nanay habang sinasabunutan niya ang buhok ko at dinidiin ang ulo ko sa ibabaw ng lamesa. “Gumawa ka ng paraan para may pera ako!” Muling inihampas ni Nanay ang ulo sa lamesa at pinandilatan niya ako ng mata. Halong takot at kaba ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kaniya. “Nay... Parang awa mo na, tigilan mo na 'yang bisyo mo. Nakakasama lang sa'yo 'yan, puwede ka pang makulong sa ginagawa mo,” gumagaralgal na wika ko. “Sino ka naman para sabihan ako niyan? Eh, bakit ako susunod sa'yo?” aniya habang nakaupo sa upuan at tumawa na mala demoyo. Sa puntong 'yon, wala na akong ibang magagawa pa kun'di ang hayaan siya sa gagawin niya. Dahil kahit gustuhin ko man siyang isumbong sa mga pulisya ay hindi ko rin magagawa, may mga nakakabata akong kapatid na kailangan ng isang ina sa tabi nila. “Nasaan ang pagkain ko?!” malakas na sigaw ni Tatay at sunod-sunod na kalabog ang narinig ko. Napabangon naman ako at lumabas sa kuwarto nang makita ko siyang hinahagis ang mga gamit namin sa kusina at sinisira ang bahay namin na gawa lamang sa kahoy. “T-tatay.. B-bakit po?” garalgal na boses kong tanong habang nakahawak ako sa hamba ng pintuan. “Ikaw! Putangina! Nasaan ang pagkain ko?” nanggagalaiti sa galit ba sabi nito. “A-akala ko po kase k-kumain na kayo sa pinuntahan niyo kanina. K-kaya pinaubos ko na sa mga kapatid ko 'yong pagkain k-kanina para naman busog sila,” kinakabahang sambit ko. “Bo*o ka ba? Tangina! Hindi naman birthday-an ang pinuntahan ko ro'n! Nakipag-inuman ako!” malakas na sigaw nito at nakita kong nanaliksik ang mga mata niya. Dahil sa takot ko ay umiyak na lamang ako nang umiyak. Mahina ang loob ko pagdating sa pamilya ko, kahit gusto kong sabihin sa sarili ko na ‘Tahan na, lilipas din 'yan’ ay hindi ko magawa. Hindi ko alam kung hanggang kailan ba ganito. “Bilisan mo at mag-impake ka na! Darating na siya!” natutuwang sabi ni Nanay habang inaayusan ako ng buhok. Nagtataka ako dahil good mood siya ngayon, at 'di ko alam bakit siya ganito at mukhang excited na excited. Sinusunod ko na lang ang bawat sinasabi niya dahil ayoko na masira ang mood niya ngayon. Masaya ako, dahil masaya siya ngayon. “Nay... Sino po ba 'yang darating at mukhang ganadong-ganado ka ngayon?” tanong ko sa kaniya habang nakangiti. “Basta, Anak. Pagtapos nito, hindi na tayo mahihirapan,” bakas sa mukha niya ang saya sa bawat wika niya. Mayamaya lang ay biglang kumatok. Kaya lumabas ako sa kuwarto at tiningnan kung sino ba 'yong dumating. Nang makita ko 'yon ay si Tatay at may kasama siyang isang mestizo na lalaki. Ngumiti ako at bahagyang iwinagayway ang aking kamay. Ganoon din ang ginawa ng mestizong lalaki na kasama ni Tatay. “Oh, ayan na pala siya!” natutuwang sabi ni Nanay nang makalabas siya sa kuwarto. Nagtataka naman ako kung sino ba 'tong lalaki na nasa bahay namin ngayon. “H-huh? Sino ba siya?” takang tanong ko habang nakaturo sa lalaking mestizo. “Siya si Lorenzo, Alessandra. Siya ang asawa mo,” ani Tatay kaya napatingin ako sa kaniya na punong-puno ng pagtataka sa mukha. Asawa? At pati ba naman sa pag-ibig pakikialaman nila kung ano'ng desisyon ang gagawin ko? “Nay, Tay, hindi naman po puwede 'yon. Ni hindi ko nga siya kilala, tapos magiging asawa ko pa? At saka may sarili akong puso para umibig, hindi niyo puwedeng pakialaman 'yon,” pangangatuwiran na saad ko. Tinuro ko naman ang mestizong lalaki na nasa harap ko. “You. I don't even know you, get the fuck out of here,” walang respetong sambit ko habang seryosong nakatingin sa kaniya. Nakita ko naman na nanaliksik ang mga mata ni Nanay, nilapitan niya ako at hinila sa kuwarto. Marahas niyang sinara ang pintuan ng kuwarto at marahas din akong itinulak dahilan ng pagkatumba ko. “Putangina mo rin, eh 'no?” nakangising ani Nanay. “Wala kang magagawa, binayaran ka na sa 'min ng sampong milyon. Kaya sa ayaw at gusto mo, sasama ka sa kaniya.” Napaluha na lang ako sa sinabi ni Nanay, wala akong magagawa kun'di ang sundin kung ano ang gusto nila. Pinakasalan ko si Lorenzo kahit na labag sa kalooban ko, habang sila naman na dalawang magulang ko na mas masahol pa sa demonyo ay nagsasaya sa mga pera na bigay ni Lorenzo sa kanila kapalit ng kanilang anak. Ako lahat, at ang mga kapatid ko ang sumalo sa lahat ng hirap at sakit na ginagawa ng mga magulang namin. “Uy! Gising na! Bakit ka ba sumisigaw riyan, nakakahiya na sa mga ibang nakasakay sa eroplano,” pabulong na sabi ni Isabella. Lagi ko na lang iyon naaalala, sa panaginip ko pa. Akala mo binabangungot ako na parang totoong sinasaktan ako. Siguro ay na-trauma lang ako sa mga pananakit nila kaya nagiging ganito ako. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko kinuha ang pagkain na nasa tabi namin. 'Di ko napansin na napatagal pala ang tulog ko, kitang-kita ko ngayon sa window seat ang madilim na kalangitan, maganda ang panahon ngayon at sa tantya ko ay nasa alas quatro pa lang nang umaga. Tumingin ako sa katabi ko at kunot noo ko siyang tinitigan. “Mga anong oras tayo makakarating sa Hawaii?” tanong ko kay Isabella. Nagkibit-balikat si Isabella sabay tingin sa kaniyang mga kuko. “Ewan ko, siguro madaling araw na. Halos 12 hours ata ang pagitan sa oras natin pati oras nila. Kapag nakarating siguro tayo ro'n, umaga sa kanila? Kase kapag hapon sa Spain, madaling araw naman sa kanila,” aniya. Tumango-tango na lang ako sa sinabi niya. Nakalagpas na kami sa Spain, hindi ko lang alam kung saang bansa na kami. Pero sa tantya ko ay siguro alas singko nang umaga na kami makakarating sa kanila. At tama nga ako. Alas singko nang madaling araw nang makatapak kami sa Hawaii. Malawak ang ngiti ko habang sinisinghap ang hangin doon, nakakatuwa! “Masyado ka na naman excited,” nakangising sabi ni Isabella. Sino ba naman ang 'di excited kung ganito ang pupuntahan mo 'di ba? Nakakatuwa kaya. May ni-recommend kase na isla rito, maganda raw ro'n at mukhang mag e-enjoy kami ni Isabella sa pupuntahan namin. May sumundo naman sa amin na isang itim na sasakyan, tutuloy na raw ito hanggang sa hotel na tutuluyan namin ni Isabella. Hindi na ako pumunta sa isla na gusto ko, kase nakita ko 'tong recommended na isla nila. Tiyak daw na matutuwa kami, kaya grinab ko na ang chance since mura rin naman dito. “Anong pangalan ba ng isla na 'yon?” tanong ulit ni Isabella sa 'kin. Hindi siya mapakali sa sasakyan, ang dami niyang tanong. Suminghap ako. “Tantalizing Island, recommended kase kaya nag book na agad ako ro'n,” sagot ko. Tumango siya at saka pumikit. Medyo may kalayuan daw kase 'yong hotel na pupuntahan namin. Kaya gaya ni Isabella, ipinikit ko na lang ang mata ko dahil ramdam ko rin ang pagod sa biyahe namin. “We're here,” formal na sabi ng driver na naka-all black suite. Mukhang kidnapper, eh. Nagpasalamat kaming dalawa ni Isabella bago kami bumaba sa kotseng all black din. Parang mafia ata mga tao rito. Kahit sa may bukana ng hotel, all black suite rin ang suot nila. Bakit kaya ganito sila? Ganito ba ka-pribado ang hotel na 'to? “Nakakatakot naman,” bulong ni Isabella sabay hawak sa braso ko nang mahigpit. Hindi ko siya pinansin. Maging ako ay parang natatakot, baka kase bigla kaming barilin ng mga tao rito. Mahirap na. “Welcome to the Tantalizing Island. Enjoy your seven days here, we have many condoms for free in your suite. You can have all the men here,” sabi ng isang babaeng receptionist. Nanlaki naman ang mata ko at napanganga. Ano bang pinagsasabi nito? Condoms? Lalake? Hindi ma-sink in sa 'kin ang sinasabi niya! Iginaya niya kami sa aming suite. Tulad ko ay parang nagtataka si Isabella sa kaganapan dito sa isla. Ibang isla ata 'tong napuntahan namin. Marami pa siyang sinabi na kung ano-ano bago kami iniwan sa suite namin. “Hoy?! Anong isla naman 'to bakit may free sex at safe na safe raw?!” tanong ni Isabella pagkapasok namin sa suite namin. Umupo ako sa kama at napahawak sa ulo. “Aba'y ewan ko rin. Sumasakit ulo ko 'di ko maintindihan sinasabi nila. Basta ang pagkakaintindi ko lang parang Auction 'tong napuntahan natin. 'Yong ia-auction nila mga lalake rito tapos pataasan ng benta kung sinong pinakamataas ang ipapatong na pera, kaniya 'yong lalake hanggang sa namamalagi siya rito? Pero dahil promo sila, puwede kahit sino ngayon at free ang mga lalake ngayon?” pagpapaliwanag ko kahit na naguguluhan din ako. Lumiwanag naman ang mukha ni Isabella sa sinabi ko. “Talaga?!” natutuwang tanong niya. Kumunot naman ang noo ko. “Anong nakakatuwa ro'n at ngiting-ngiti ka naman? Ipapaalala ko lang sa'yo, you're already married!” sabi ko. Nag-uusap kami habang inaayos ang mga gamit namin. Nilalabas ko ang mga gamit ko sa maleta at nilalagay sa may cabinet. “Eh ano naman ngayon kung kasal na 'ko? Kasal ka rin naman, ah? Sa West lang sa'yo. At saka, malay mo guwapo pala mga lalake rito tapos macho, may six packs abs!” kinikilig niyang sabi. Umiling-iling na lang ako. “Ewan ko sa'yo, basta ako mag e-enjoy lang sa dagat. Walang lalake, dahil malalagot ako kay Lorenzo kung mangyari man 'yon.” “Ano ka ba?! Nandito tayo para mag-enjoy! Do whatever the fuck you want! Wala naman si Lorenzo rito, at isa pa siya nag e-enjoy sa bago niya samantalang ikaw nagpapaka-loyal ka sa kaniya? Martir mo naman!” panenermon ni Isabella. Nginiwian ko siya. “Edi mag e-enjoy ako. Treat ko para sa sarili ko,” malumanay na sabi ko. Sumigaw naman si Isabella na animo'y kinikilig. “Huwag niyo lang bubutasin 'yong condom!” aniya. “Ewan ko sa'yo, Isabella. Nakakadiri naman,” sabi ko at saka siya inirapan. Pero tama nga si Isabella, nandito kami para mag enjoy. Ayokong maging martir. Hindi ko naman mahal si Lorenzo, natatakot lang ako na baka saktan niya mga kapatid ko sa oras na lumabag ako sa kaniya. Pero wala naman siyang magagawa dahil sa wala naman siya rito. Ang mga lalake naman dito ay sa tingin ko professional, walang malisya. Sex is for fun para sa kanila. I haven't tried that even though I'm 23 years old.KABANATA 3: LIED“Sigurado ka na ba talaga?” tanong ni Isabella. Pang ilang tanong na niya iyan. Kung kailan na-realize ko na hayaan ko muna ang sarili ko na lumigaya, siya naman itong umaatras ngayon. “Pinilit kita because you need this, pero ngayon parang nagdadalawang isip kase ako kung tama ba na hahayaan lang kita—”“Nandito na tayo, Isabella,” sabi ko. Hawak-hawak ko na ang mga condoms na kinuha ko kanina sa may suite bago kami lumabas. Halos ilang oras kami nagtatalo habang nagliligpit kami ng mga damitan. Lumabas na kami noong medyo umaraw na.Napasabunot siya sa buhok niya. “Pero Alessandra—”Tinaas ko ang kamay ko. “Please, Isabella. Ngayon ko lang ulit na realize na kailangan ko rin pa lang maging malaya,kaya hayaan mo muna ako, please lang? I need to do this, kahit naman anong gawin ko rito hindi naman na mababago ang takbo ng buhay ko. Nasira na, eh.”Isabella sighed. “Sigurado ka ba?” tanong niya kaya tumango ako. “Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin, mag enjoy ka. Pe
“This is the final boarding call for passengers Isabella Rodriguez and Alessandra Alcaraz booked on flight 4B7 to Hawaii, Honolulu City. Please proceed to gate 3 immediately. The final checks are being completed and the captain will order for the doors of the aircraft to close in approximately three minutes time. I repeat. This is the final boarding call for Isabella and Alessandra. Thank you.”Nang marinig ko 'yon ay nagmamadaling binitbit namin ang mga bagahe namin ni Isabella, hindi ko naman expect na ganoon pala ka-traffic.Late na kami dahil sa sobrang traffic, hindi ata umuusad 'yong mga sasakyan dito sa Spain! At ang asawa pa ni Isabella na si Alejandro, parang ayaw pa siyang pakawalan. Pero hindi naman mananalo si Alejandro kapag nagsabi na si Isabella kung ano ang gusto niya. Kaya ang ending, pinayagan siyang samahan ako mag bakasyon.Hingal na hingal kami habang nakaupo sa airline seats, saktong-sakto pa naman na sa tapat ako ng window seats. Kaya kitang-kita ko ang mga ilaw
“¡Usted es inútil!”Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking mukha, sapat para umalingawngaw ang tunog sa buong silid. Para bang bumasag iyon hindi lang sa katahimikan, kundi sa natitira ko pang lakas. Bumaling ang ulo ko sa gilid, nawalan ako ng balanse, at bumagsak sa malamig na sahig na tila isang bagay na itinapon matapos mawalan ng silbi.Napahawak ako sa pisngi ko. Mainit. Mahapdi. Basa. Nang ilayo ko ang kamay ko, nakita ko ang pulang bakas ng dugo mula sa labi kong muling pumutok. Nilasahan ko iyon nang hindi ko namamalayan, at gaya ng dati, sinalubong ako ng alat at pait. Isang lasang pamilyar. Isang lasang matagal ko nang kinamumuhian ngunit hindi ko matakasan.Hindi pa tuluyang naghihilom ang mga sugat ko, may panibago na naman. Ang mga pasa sa braso ko ay hindi pa nawawala, ang mga marka sa hita ko ay masakit pa ring hawakan, at ang mga galos sa likod ko ay tila paulit-ulit na ipinapaalala sa akin kung sino ako sa mundong ito. Ang katawan ko ay parang talaan ng karahasa







