Kasalukuyan nasa pool area ng resort ang mag-asawa kasama si Carrie. Maya-maya pa ay lumapit ang isang waiter at lihim itong tinanguan ni Francis."Ma'am, here's your drink po," saad ng waiter, at nagpasalamat si Janna roon."Thank you," Umalis ang waiter roon, ngunit bago iyon ay palihim itong inabutan ni Francis ng bayad bago ito naglakad paalis roon. Pinanood ni Francis na inumin ang juice na dala ng waiter at lihim itong sumulyap kay Carrie."By the way, hon. Bukas pala, gusto mo bang mag-hiking tayo? I know a good hiking spot, and sabi nila once you reach the peak, sobrang ganda daw ng view na makikita mo. Some say that it was very calming and breathtaking." Ibinaba ni Janna ang juice at tipid na ngumiti rito."Pwede naman, gusto mo bang sumama, Carrie? Mahirap naman kasi kung maiiwan ka rito," saad ni Janna."Sure, kung okay lang din kay Francis," sagot nito."Kung okay naman kay Janna, yeah sure. You can join us," ani naman ni Francis at parehas ngumiti ang dalawa.Maya-maya
اقرأ المزيد