Nagtatakang tumingin si Janna roon ngunit may bakas rin ng pagdududa. "Ahh, wala ito baka doon sa kinain ko. May kakaibang menu kasi doon sa isang resto na napuntahan ko may kulay yung food humawa siguro," pagpapalusot nito ngunit nanatili ang kunot na noo ni Janna."Hon, wag ka nang magtampo, okay? Sa totoo nga lang hindi masarap doon sa resto na 'yon. Hindi ko nga naubos di ko napansin na may kumalat pala." paglalambing nito at niyakap ang asawa."Kanina pa kasi kita hinahanap," saad ni Janna.Hinalikan ni Francis ang pisngi nito bago marahang hinaplos ang kamay nito. "Hon, nag-ikot lang talaga ko. I'm sorry if I made you worried hindi lang din kasi ako makatulog kanina." Bumuntong-hininga si Janna roon pero kasabay niyon ay sumagi tuloy sa kaniyang isipan ang sinabi ng kaibigan na may babae ang kaniyang asawa. "I'm sorry, hon. Wag kang mag-alala hindi na ako aalis sa tabi mo. I'll tell you right away if I'll leave," ani nito at marahang tinitigan ang asawa roon.Napanguso si Ja
آخر تحديث : 2026-01-30 اقرأ المزيد