Sexily's POV Pagkarating namin sa bahay, akma kong kukunin ang dala ko nang bigla itong inagaw ni Ashuel mula sa aking kamay. “Ako na,” wika niya, sabay ngiti, at bahagyang bumelat pa na siyang ikinatawa ko. Ang cute niya. “Ako na,” pamimilit ko, ngunit muli niyang inilayo ang gamit. “Alam kong kaya mo, Sexily,” mariin niyang sagot, “but please let me? Mabigat pa naman ang dinadala mo.” Sabay tingin sa aking tiyan, tinutukoy ang aming anak na nasa sinapupunan ko. Hindi na ako sumagot. Imbes na makipagtalo pa, nauna na akong pumasok sa loob ng bahay. Gusto kong itago ang nararamdaman ko—ang tila ba may namuong mga paro-paro sa aking tiyan. Sa loob, ramdam ko pa rin ang init ng kaniyang presensya. Ang simpleng pag-aagaw ng gamit ay nag-iwan ng kakaibang kilig. Hindi ko alam kung bakit, pero sa bawat simpleng galaw niya, sa bawat pag-aalala niya, mas lalo kong nararamdaman ang bigat ng pagmamahal niya. Bahagya akong napahawak sa aking tiyan. Hindi lang ako ang pinoprotektahan niya
Read more