Aria’s POV Ang presensya ni Elena sa loob ng ospital ay parang isang malamig na haplos ng kamatayan. Kahit naka-wheelchair siya at bakas ang hirap ng buhay sa kulungan, ang demonyo sa kanyang mga mata ay hindi nagbago. "Ikaw..." nanginginig ang boses ko sa galit. "Kahit sa loob ng rehas, nahanap mo pa rin ang paraan para lasunin siya?" "Huwag kang magmalinis, Aria," tawa ni Elena, isang tuyot at nakakapangilabot na tunog. "Ang nurse na pinagkatiwalaan ni Xavier sa Switzerland? Pinsan ko 'yon. Limang taon niyang dahan-dahang binubura ang bawat alaala niyo. Isang patak sa kape, isang tablet sa bitamina... until his brain becomes a blank canvas. At ang huling dose? Ibinigay na niya kagabi bago kayo lumipad pauwi." "Hayop ka!" Susugurin ko sana siya pero pinigilan ako ni Marcus. "Ms. Aria, wala tayong oras! Dr. Arrieta, is there a way to flush it out?" sigaw ni Marcus. "Kailangan natin ng counter-agent agad, pero ang formula ay bago. I need to know exactly what drug was used!"
Huling Na-update : 2026-03-13 Magbasa pa