Ang amoy ng pine trees at ang alat ng dagat ng Adriatic ay naghahalo sa hangin habang tinatanaw ko ang aming bagong mundo mula sa veranda ng Montenegro Sanctum. Tapos na ang gulo sa Alps. Tapos na ang sigalot sa Zurich. Ngunit sa bawat panalong nakukuha namin, ramdam ko ang bigat ng mga multong aming bitbit. Ito ang Legacy of Ghosts—ang pamana ng mga taong nawala, ang mga buhay na isinakripisyo, at ang mga pangalang kailangang ibaon sa limot para kami ay mabuhay."Hindi pa rin maalis sa isip mo ang nangyari sa chateau?" boses ni Dante Valez mula sa aking likuran.Lumingon ako at nakita ko siyang may hawak na folder. Hindi na siya nakasuot ng tactical gear. Ngayon, nakasuot siya ng simpleng itim na polo, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling mapagbantay."Iniisip ko lang kung hanggang kailan natin kailangang maging ganito, Dante," sagot ko. "We are rich beyond imagination, we have the power to dismantle syndicates, pero sa huli, tayo pa rin ang mga 'ghosts' sa sarili nating kwento.
Last Updated : 2026-02-02 Read more