Para kay Tyler wala ng ibang makakapalit sino man sa Mama nito kahit pa namatay ito noong six years old pa lang siya. Kaya ito naglayas sa bahay nila kahit sobra nong bumabagyo ng gabing iyon at nagtago sa luma at sira-sirang boat habang walang tigil sa pag-iyak.“Honestly, hindi ko alam kung malalagpasan ko yung problema ko noon kung hindi dahil sayo, nagstay kasa tabi ko hanggang sa magumaga, kahit hindi moko kilala, and then nalaman nalang natin kinaumagahan na kapatid mo pala ang kaibigan kong si Caleb.” sabi pa niya, saka ito humarap saakin at makikita mo ang saya, sakit sa mga mata niya habang inaalala ang nakaraan.“You don’t know how much your presence means to me, Coleen. Truly.“ He’s smiling, but I can still feel his pain.“Katulad ng lagi kong sinasabi, andito lang ako sa tabi mo.” sabi ko at pumikit ito at bigla nalang niya akong niyakap ng sobrang higpit.“As am I.” Hindi ko alam at bigla nalang may tumulong luha sa pisngi ko, dahilan para tingnan niya ako at agad itong n
Read more