Plus OneKinaumagahan sa kusina. “Manang, magluluto po ako ngayon,” bungad ko kay Manang na abalang maghanda ng mga rekados. Lito niya akong tinignan. “Para kanino po, senyora? May bisita po bang darating?” Umiling ako bilang sagot at nagpaliwanag. “Wala naman po, gusto ko lang.”Kahit na nag-aalangan man at naninibago sa akin ay pinakawalan na rin ni Manang ang kusina at hinayaan ako sa nais. “Oh sige, sabihan mo nalang kami kung may matutulong kami.” Pagkalabas ni manang ay hinanap ko na ang mga kailangan ko para simulan na ang pagluluto,dahil sinasaktuhan ko ang oras ng pagpunta niya rito sa mansyon. Hindi ko alam kung bakit bigla akong ginanahan na magluto pagkagising ko, basta parang bumalik sa sigla ang buong katawan ko. Ginagawa ko lang naman ito kapag andito ang mga kamag-anak namin, ngayon lang na para sa iba kaya ako magluluto. Espesyal. Gusto kong lahat ng ito ay espesyal. Sa hapag. Nag-aayos ako ng mga kubyertos at pagkakainan, biglang pumasok ang malaking bulto n
Ler mais