Samantala..Sa Switzerland, tahimik ang chalet sa umaga. Ang puting niyebe sa labas ay kumikislap sa liwanag ng araw, at sa loob, ang maliit na tahanan ay puno ng saya at abala sa simpleng paraan nito. Wala pa ring kaalam-alam si Sophia sa nangyari sa Maynila, sa mundo ng kanyang pamilya na ngayo’y umiiyak at nag-aalala sa kanya. Para sa kanya, tahimik at payapa ang buhay nila, puno ng pag-asa at maliit na tagumpay sa bawat araw.Si Teddy ay abala sa kanyang home office. Ang mga mata niya ay nakatutok sa laptop, nakikinig sa video call ng kanyang mga negosyo sa Spain. Paminsan-minsan, sinasagot niya ang mga emails at tumatawag sa iba pang kliyente. Punô ng konsentrasyon ang kanyang mukha, ang bawat galaw ay maingat at mabilis, tulad ng isang bihasang mandirigma sa mundo ng negosyo. Ngunit kahit gaano siya ka-busy, paminsan-minsan ay nakatingin siya kay Sophia, nakangiti nang palihim habang nakikita niya ang asawa niyang masaya at abala sa mga bagay na nagpapasaya sa kanilang maliit na
더 보기